Kilalanin ang Kauna-Unahang Babae na Inikot ang Buong Mundo sa Loob Lamang ng Maikling Panahon
Ano ang iyong ultimate travel goals? Karamihan satin ay mayroong pinapangarap na lugar na mapuntahan. Ngunit hindi lahat ay mayroong kakayahan na matupad ang travel goals natin, kaya naman napakaswerte ng babaeng ito. Siya lang naman ang itinanghal na kauna-unahang babae na naikot ang buong mundo sa loob ng dalawang taon!
Nakakamanghang pakinggan, diba? Sa una'y iisipin mo na imposibleng magawa ito, pero para kay Cassandra DePecol, walang imposible kung sisikapin mo ito. Ang 27-anyos na environmental activist ay inikot ang lahat ng bansa sa buong mundo sa loob lamang ng 18 months.
Ngunit paano niya nagawa ang nakakamanghang all-around-the-globe travel na ito? Para kay Cassandra, hindi niya ito ginawa para lamang may mai-post siya sa Instagram. Sa katunayan, mayroon siyang dakilang mithiin kung bakit niya nagawa ito. Sa pamamagitan ng pag-travel sa buong mundo, nais niyang i-promote ang mensahe ng Peace Through Sustainable Tourism.
Binansagan niyang "Expedition 196" ang kanyang paglalabakday, dahil 193 na bansa ang narating niya at 3 sovereign countries na Taiwan, Kosovo, at Palestine. Nagsimula ang kanyang paglalakbay noong July 24, 2015 at nagtapos noong February 2, 2017. Dahil dito, nakapagtala siya ng world record!
Itinanghal bilang "Fastest Person (Female) to Travel to All Sovereign Nations" si Cassandra ng Guinness World Record. Nasungkit niya ang world record na ito matapos ma-break ang dating record na 1 year and 9 months. Sa kanyang paglalakbay, ibinaagi rin ni Cassandra na mahigit sa 15,000 na estudyante sa mahigit na 40 countries ang nakausap niya.
Sa paglalakbay niya na ito, maraming natutunan si Cassandra. Para sa kanya, hindi mahalaga ang world record, dahil ang mas importante ay ang mga taong na-inspire niya sa kanyang journey. Para sa kanyang mga latest journey, maaari niyo rin siyang i-follow sa social media.
Nais niyo rin bang gayahin ang ginawa ni Cassandra at libutin ang buong mundo? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Kilalanin ang Kauna-Unahang Babae na Inikot ang Buong Mundo sa Loob Lamang ng Maikling Panahon
Reviewed by Publisher
on
January 22, 2020
Rating:

Post a Comment