"Ayoko ng away"- Kathryn, Tutol sa Tambalan ni Daniel at Nadine
Ngayong official na ang breakup ni James Reid at Nadine Lustre, maraming tao ang nagtatanong: paano na ang future career ng Jadine? Malamang ay mabubuwag na rin ang on-screen na tambalan nila, kung kaya't oras na siguro para makahanap ng bagong katambal si James at Nadine. Ngunit sino naman kaya ang next partner nila?
Bago pa man sila maghiwalay, may ibang fans na ang nagpu-push kay Nadine Lustre upang makatambal si "Teen King" Daniel Padilla. Ngunit muhang hindi sang-ayon dito ang on-screen partner at real-life girlfriend ni Daniel na si Kathryn Bernardo. Ano kaya ang dahilan?
Sa kanyang interview sa "Tonight With Boy Abunda," aminado si Kathryn na hindi niya bet makatrabaho ni Daniel si Nadine. Ayon sa 23-anyos na aktres, umiiwas lamang siya sa away dahil alam niyang maaaring makagulo lamang ito sa mga fans ng Kathniel at Jadine.
"Goodbye na para tahimik na yung parehong fans. Okay na kasi parang mas nag i-individual na din na movie si Nadine and I don’t think kailangan niya ng partner ngayon. Parang nae-enjoy niya yung freedom na yun," pahayag ni Kathryn.
Bukod pa dito, tumanggi rin si Kathryn na makatambal ang partner ni Nadine na si James. Kung inyong matatandaan, dati ay nagkaroon na ng fan war sa pagitan ng mga fandoms ng Jadine at Kathniel. Ayon kay Kath, nag-iingat lamang siya upang hindi na maulit ito.
"Baka magulo, Tito Boy, kapag nangyari ang collaboration. Ayaw ko na ng away. Goodbye! Tahimik na ang buhay ko."
Sa ngayon ay wala pang kasiguraduhan ang career ng Jadine. Dahil sa kanilang breakup, siguradong maaapektuhan rin ang kani-kanilang karera sa showbiz. Abangan na lang natin kung ano ang next move ni James at Nadine.
Sa iyong palagay, magiging magkatambal pa kaya si James at Nadine on-screen? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
"Ayoko ng away"- Kathryn, Tutol sa Tambalan ni Daniel at Nadine
Reviewed by Publisher
on
January 23, 2020
Rating:






Post a Comment