Loisa Andalio, Viral sa Kanyang Sizzling na Catriona Dance Challenge
Maraming nauusong dance craze sa panahon ngayon. Sa katunayan, sa social media ay maraming tao rin ang nakikibahagi sa mga sikat na dance challenge, mapa bata man o matanda. Hindi rin pahuhuli ang mga celebrities, at kamakailan lang ay may bagong dance craze na naman ang nauso sa social media!
Kung ikaw ay laging tambay sa Facebook, malamang narinig mo na ang kantang "Catriona." Ito ang sumikat na hit ng rapper na si Matthaios noong December 2019. Ang kantang ito ay dedicated para sa beauty queen na si Miss Universe Catriona Gray. Dahil sa catchy na melody at lyrics, agad itong nag-viral online.
Pero mas lalo pang sumikat ang kantang "Catriona" nang magkaroon ito ng dance challenge, o mas kilala sa tawag na Catriona dance. Nagsimula ito sa Tiktok, at unti-unting kumalat sa Facebook. Sa huli, maging ang mga celebrities ay hindi nagpahuli sa dance challenge na ito.
Isa na sa kanila ay si Loisa Andalio, na ipinakita ang kanyang malupit na dance moves sa Catriona challenge. Kasama ang kanyang dancer na kaibigan, ipinamalas ni Loisa na hindi lang ganda ang meron siya, kundi pati na rin talento sa pagsayaw.
Ayon sa mga netizens, talagang nabihag sila sa galawan ni Loisa. Kahit pa wala pang isang minuto ang dance challenge, talagang maaakit ka sa kagandahan ni Loisa, na talaga namang talented din. Sa Facebook, umabot na sa milyon ang views ng kanyang Catriona dance challenge.
Dahil sa galing ni Loisa, may mga fans pa na nag-request na sayawin niya ang Catriona dance sa ASAP. Curious ka rin ang mapanood ang Catriona dance ni Loisa Andalio? Panoorin ang buong dance challenge niya sa video na ito:
Nagustuhan mo rin ba ang Catriona dance na ito ni Loisa Andalio? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Loisa Andalio, Viral sa Kanyang Sizzling na Catriona Dance Challenge
Reviewed by Publisher
on
January 26, 2020
Rating:




Post a Comment