Gwen Zamora, Mas Pinili ang Tahimik na Buhay sa Probinsya Kasama ang Pamilya Niya


Hindi madali ang buhay ng mga artista. Ang kanilang kasikatan ay may kapalit na hindi matutumbasan ng pera. May mga celebrities na napapabayaan na ang kanilang personal life dahil lamang sa career, kaya naman mas gugustuhin pa nilang mamuhay ng tahimik. Kokonti lang ang mga artista na nabiyayaang magkaroon ng tahimik na buhay, at isa na sa kanila ay si Gwen Zamora.

Kilala si Gwen bilang sexy actress sa Kapuso network. Matagal rin siyang naging parte ng sikat na gag show na "Bubble Gang." Ngunit sa kabila ng kanyang matagumpay na career, mas sinuwerte naman ang 29-anyos na aktres nang makilala niya ang kanyang athlete boyfriend na si David Semerad.


Nagkakilala ang dalawa sa Melbourne, Australia, kung saan halos magkalapit lang ang bahay nila. Dito ay umusbong ang pagkakaibigan ni Gwen at David, na nagbunga naman ng pagmamahalan. Ayon kay Gwen, naniniwala siyang destiny niya ang makilala si David.

Sa katunayan, handa rin si Gwen na lisanin ang mundo ng showbiz para magsimulang bumuo ng pamilya kasama si David. Noong April 2019, marami ang natuwa nang ibahagi ni Gwen na nagdadalang-tao siya. At noong August ay isinilang ni Gwen ang healthy baby boy nila ni David.




Sa ngayon ay panandaliang namaalam sa showiz si Gwen para mag-focus sa kanyang new life bilang first-time mommy. Kamakailan lang ay ibinahagi nila ang kanilang simple ngunit payapang pamumuhay sa Batangas. Sa Instagram, nag-post ng pictures si David ng on-going construction ng kanilang farmhouse.

Unang bumisita sa kanila ay ang kambal ni David na si Anthony at ang fiance nito na si Sam Pinto, na isa ring kilalang sexy actress ng Kapamilya network. Binisita ng celebrity couple ang malawak na lupain kung saan itatayo ang kanilang property.



Napapaligiran ng mga puno at talaga namang relaxing ang soon-to-rise na "Semerad Farm." Sa kabilang banda, maraming netizens naman ang natutuwa para sa bagong buhay ngayon ni Gwen kasama ang kanyang happy family.

Happy ka rin ba para sa tahimik na buhay ngayon ni Gwen Zamora? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Gwen Zamora, Mas Pinili ang Tahimik na Buhay sa Probinsya Kasama ang Pamilya Niya Gwen Zamora, Mas Pinili ang Tahimik na Buhay sa Probinsya Kasama ang Pamilya Niya Reviewed by Publisher on January 05, 2020 Rating: 5