Luis Manzano, Nagparinig nga ba sa Ex-Girlfriend na si Angel Locsin?
Sa gitna ng kalamidad sa bulkang Taal, maraming tao ang naalarma sa pagtaas ng presyo ng face mask. Nadismaya ang publiko sa mga businessman, at isa sa mga napagbuntunan ng mga netizens ay si Luis Manzano. Sa social media, nakasagutan ni Luis ang ilang netizens dahil sa mga ine-endorse niyang produkto.
May-ari si Luis ng isang online shop, kung saan nagbebenta rin sila ng mga face mask. Ngunit mukhang hindi na-impress ang mga netizens sa nakakalulang presyo ng face mask ni Luis, na umaabot sa mula Php 700 hanggang Php 1,450. Dahil dito, inakusahan si Luis na nananamantala sa gitna ng sakuna.
Sinagot naman ito ng "Minute to Win It" host. Sa Twitter, in-explain ni Luis ang dahilan kung bakit mas mahal sa mga generic face masks sa market ang kanyang ine-endorse. Iginiit rin niya na hindi nila sinasamantala ang nangyaring sakuna sa Taal.
"With everything that has been said and done, do what you want to do. Gusto mo tumulong and post? Great job, gusto mo tumulong behind the scenes? Great job pa rin. But never invalidate help or someone just because it is not posted online! Laban tayo Batanguenos! God Bless."
Bukod pa dito, pinuna rin ni Luis ang mga netizens na naghahanap diumano ng 'validation' sa social media. Ayon sa Kapamilya host, hindi siya sang-ayon sa ginagawa ng ibang tao, na halos lahat ng kilos ay ina-update pa sa social media.
Hindi naman naging maganda ang dating nito sa mga netizens. Para sa iba, mukhang nagpaparinig si Luis sa kanyang ex-girlfriend na si Angel Locsin, na laging laman ng balita sa social media dahil sa pagtulong nito.
"Ayaw nila ma-comprehend na mas marami nangyayari sa likod ng social media. Binabase nila ang validation on social media which I think is wrong. Bawat hinga't utot at galaw naka post dapat and I don't agree with that."
Sa iyong palagay, nagpaparinig nga ba si Luis Manzano sa kanyang ex-girlfriend na si Angel Loscin? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights.
Luis Manzano, Nagparinig nga ba sa Ex-Girlfriend na si Angel Locsin?
Reviewed by Publisher
on
January 28, 2020
Rating:

Post a Comment