74-Anyos na Nanay, Kinulong sa Hawla ng Sarili Niyang Mga Anak
Sa kultura nating mga Pinoy, natural na sa atin ang alagaan ang ating mga magulang sa kanilang pagtanda. Ngunit malaking responsibilidad din ito para sa mga anak, lalo pa't kung may sakit ang iyong magulang. Kaya para sa magkakapatid na ito mula sa Misamis Occidental, napilitan silang ikulong ang sarili nilang ina.
Sa isang maliit na bayan sa Misamis Occidental, isang ilaw ng tahanan ang nakakulong sa madilim na selda. Ang 74-anyos na nanay ay ikinulong mismo ng kanyang mga anak, ngunit ano nga ba ang dahilan? Sa isang interview sa "Kapuso Mo, Jessica Soho," ibinunyag ang madilim na sikreto ng pamilyang ito.
Ayon sa mga anak ni alyas 'Nida,' mayroong sakit sa pag-iisip ang kanilang ina. Umabot na daw sa punto na nasasaktan nito ang sarili nito, at pati mga tao sa paligid niya ay nanganganib na. Dahil dito, labag man sa kanilang kalooban, napilitan na lamang silang ikulong ang nanay nila.
Bago mangyari ito, patunay ang mga magkakapatid kung gaano kabuting ina si Nida. Kahit mahirap ang buhay, kumakayod ito bilang tindera para lamang masustentuhan ang kanilang pamilya. Saka lamang daw ito nagbago nang sumakabilang-buhay ang kanilang padre de pamilya noong 2014.
Labis daw na naapektuhan ang kanilang nanay sa pagkawala ng kanilang ama. Mas lumala ito nang sunod naman na nawala ang kanyang matalik na kaibigan noong 2015. Dito na nagsimula ang unti-unting pagkawala ni Nida sa kanyang sarili, bagay na ikinabahala ng kanyang mga anak.
"Sabi ng kapatid ko, ‘Ano bang nangyayari kay mama? Kanina umiiyak na ako dahil hindi na humihinga tapos maya-maya bigla na lang humahalakhak."
Nagsisimula na ring magreklamo ang mga kapitbahay dahil halos gabi-gabi na lang sumisigaw ang kanilang ina. Nang magsimulang manakit ito ng ibang tao, dito na napagpasyahan ng magkakapatid na gumawa ng kulungan. Kalahating oras rin ang layo ng kulungan mula sa kanilang bahay.
Sa tulong ng KMJS, naipatingin ng magkakapatid sa isang espesyalista ang kanilang ina. Dito napag-alamang mayroon itong schizophrenia. Ayon kay Dr. Rodney Boncahes mula sa National Center for Mental Health, hindi 'makatao' ang ginawang pagkulong kay Aling Nida.
Tinulungan ng KMJS ang magkakapatid na mai-confine si Aling Nida sa isang pasilidad sa Cagayan de Oro. Pero sa ngayon ay nangangailangan pa rin sila ng tulong upang masustentuhan ang bayad dito at mga pangangailangan ng kanilang ina.
Ano ang masasabi mo sa desisyon ng magkakapatid na ito na ikulong ang kanilang ina? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
74-Anyos na Nanay, Kinulong sa Hawla ng Sarili Niyang Mga Anak
Reviewed by Publisher
on
January 29, 2020
Rating:

Post a Comment