Couple Goals: Gladys Reyes, Inalala ang 27 Years na Marriage kay Christopher Roxas
Sa industriya ng showbiz, normal na lamang ang balita ng mga celebrity couple na naghihiwalay. Kadalasan, hindi nila kinakaya ang pressure at kritiko mula sa kanilang mga fans kung kaya't hindi rin nagtatagal ang relasyon nila. Ngunit mayroon din namang mga celebrity couple na pinatunayang mas matibay ang pag-ibig nila.
Isa na sa mga ito ay ang tambalan ni Gladys Reyes at ng kanyang asawa. Halos tatlong dekada na ang pagsasama ng aktres at ng kanyang mister na si Christopher Roxas. Ang love story ni Gladys at Christopher ay talaga nga namang mala-telenovela, dahil bata pa lamang sila nang magsimula ang pag-iibigan nila.
Kamakailan lang ay sinariwa ni Gladys kung paano nagsimula ang kanilang 27 na taong pagsasama. Sa Instagram, napa-throwback ang aktres at ibinahagi niya ang nakakakilig nilang love story. Nagsimula ito nang maging magka-trabaho sila ni Christopher sa seryeng "Mara Clara."
Mukhang itinadhana nga silang dalawa. Si Christopher ang naging unang kasintahan ni Gladys hanggang sa kinasal sila. Noong 2018, sinariwa nila ang kanilang kasal sa pamamagitan ng renewal of vows.
"You were 12, I was 14, puppy love to childhood sweethearts to being married for 16 years. Now, 27 years of togetherness and counting. What we have is too good to be true but it's God's gift to us and you will forever be my answered prayer! Happy anniversary bebe! Love you since 1992 and loving you more 'til today," ito ang post ni Gladys sa Instagram.
Maraming netizens ang kinilig sa mensaheng ito ni Gladys. Talagang bihira na nga naman ang mga celebrity couples na nagtatagal ang samahan. Ngunit para kay Gladys at Christopher, walang imposible basta't sasamahan mo ito ng pagmamahal at tiwala sa iyong partner. Sila ang tunay na couple goals!
Kinilig ka rin ba sa love story ni Gladys at Christopher? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Couple Goals: Gladys Reyes, Inalala ang 27 Years na Marriage kay Christopher Roxas
Reviewed by Publisher
on
January 26, 2020
Rating:






Post a Comment