Leng Altura, Pina-Tulfo si Makagago Matapos Magkalat ng Paninira sa Kanya
Nitong mga nakaraang araw ay usap-usapan sa social media ang dancer na si Arlene Altura, o mas kilala bilang Leng. Nakilala siya sa kanyang mga viral dance challenges, kung kaya naman umabot na sa libo-libo ang followers ni Leng sa Facebook. Ngunit kamakailan lamang ay binatikos siya sa kanyang endorsement ng isang clothing line.
Si Leng ang pinakabagong model ng KNPP clothing. Marami ang bumabatikos sa clothing line na ito dahil sa mga mahalay na t-shirt designs na ito, kaya naman marami rin ang nadisappoint nang i-endorse ito ni Leng. Isa na sa kanila ay si Mark Jayson Warnakulahewa, o mas kilala bilang Makagago.
Sa kanyang Youtube channel, diniss ni Makagago si Leng dahil sa kanyang pag-eendorse ng KNPP clothing. Inakusahan rin ni Makagago ang dancer na diumano'y nagpalaglag ng kanyang anak, at mayroon pa daw itong mahalay na video. Dahil dito, napagdesisyunan ni Leng na ireklamo si Makagago kay Raffy Tulfo.
Noong January 27, agad sumugod ang dalaga sa tanggapan ni Idol Raffy sa "Aksyon sa Tanghalo." Ayon sa kanyang statement, nagsalita na siya upang matapos ang haka-haka ng mga tao tungkol sa kanyang pagkatao. Ipinakita rin ni Leng ang video kung saan siya diniss ni Makagago.
Ayon kay Raffy Tulfo, maaaring masampahan ng kasong cyberlibel si Makagago dahil sa ginawa niyang paninira. Ngunit bago humantong doon, binigyan muna nila ng pagkakataong makuha ang side ni Makagago. Ayon sa vlogger, nadamay lamang si Leng sa alitan nila ng may-ari ng clothing line na si Boss Toyo.
Sa ngayon ay paghaharapin muna si Leng at Makagago upang mapag-usapan ang isyung ito. Kung hindi naman sila magkakasundo, ayon kay Tulfo ay tutulungan nila ang dalaga na magsampa ng kaso laban kay Magago. Sa ngayon naman ay binura na rin ni Makagago ang video niya sa Youtube.
Panoorin ang buong sagutan dito:
Ano ang masasabi niyo sa paghaharap ni Leng at Makagago? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Leng Altura, Pina-Tulfo si Makagago Matapos Magkalat ng Paninira sa Kanya
Reviewed by Publisher
on
January 27, 2020
Rating:



Post a Comment