Lalaking Di Nakapagtapos ng Elementary, Milyonaryo na Ngayon!


Ang pag-asenso sa buhay ay hindi nakasalalay sa talino, kundi nasa diskarte. Hindi mahalaga ang tinapos ng tao, dahil sa huli, sipag at tyaga ang magiging kasangga niya upang maabot ang kanyang pangarap. Ito ang bagay na pinatunayan ng lalaking ito, na kahit hindi nakapagtapos ng pag-aaral ay naging milyonaryo!

Naging inspirasyon ng marami ang nakakamanghang kwento ni Saipol Azmir Zainuddin mula sa Malaysia. Pinanganak siya sa isang hikahos na pamilya, kaya naman bata pa lang si Azmir ay napilitan na siyang huminto sa pag-aaral. Anim na taong gulang siya nang pinahinto siya ng kanyang mga magulang dahil sa kahirapan.


Upang makatulong sa pamilya, mas pinili na lamang ni Azmir na maghanap ng kabuhayan. Nag-alaga siya ng mga baka, kung saan kumita siya ng P10,000! Ito ang naging trabaho niya hanggang sa dumating sa punto na mahigit 300 na baka na ang kanyang inaalagaan.

Dahil masipag at mapagkakatiwalaan si Azmir, pagtungtong niya ng 19-anyos ay pinautang siya ng kanyang amo ng Php 1 million. Hindi biro ang halagang ito, ngunit tiwala ang amo niya na magagamit ito ni Azmir upang magtayo ng kanyang sariling negosyo.



Sa tulong ng Farmers Organization Authority Malaysia, bumili si Azmir ng mga hayop na maaari niyang magamit sa bukid. Gamit ang pera, nagkaroon siya ng 700 na baka, 150 na kambing, at 30 na kalabaw sa edad lamang na 33! Sinong mag-aakalang ang dating taga-alaga lamang ng baka ay haciendero na ngayon?

Dahil sa kanyang pati-tyaga, naging maalwan na ang pamumuhay ni Azmir at ng kanyang pamilya. Sa ngayon ay kumikita siya ng mahigit sa P12 million. Patunay lang ito na kahit wala ka pang tinapos, maaaring magbago ang buhay mo kung magiging matyaga at madiskarte ka, tulad na lang ni Azmir.



May kakilala ka rin bang naging matagumpay dahil sa kanyang sipag at diskarte? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Lalaking Di Nakapagtapos ng Elementary, Milyonaryo na Ngayon! Lalaking Di Nakapagtapos ng Elementary, Milyonaryo na Ngayon! Reviewed by Publisher on January 20, 2020 Rating: 5