Angel Locsin, Inirekomenda Bilang DWSD Secretary ni Agot Isidro
Dito sa Pilipinas, karamihan sa mga celebrities ay nakilala dahil sa kanilang galing umarte o husay sa pagkanta. Ngunit ibahin niyo ang Kapamilya star na si Angel Locsin. Bukod sa kanyang angking talento at taglay na kagandahan, maraming tao rin ang humahanga kay Angel Locsin dahil sa kanyang ginintuang puso!
Hindi na lingid sa kaalaman ng lahat ang naiambag ni Angel mula sa kanyang mga charity works. Sa katunayan, ilang beses na ring nasaksihan ng publiko ang bukas-palad na pagtulong ng 34-anyos na aktres sa mga taong nangangailangan. Nitong nakaraan lang ay nagpunta pa siya ng Batangas para lamang mag-abot ng tulong sa mga Taal evacuees.
Dahil sa kanyang pagtulong, kinilala si Angel Locsin ng prestihiyosong Forbes magazine. Noong 2019, isinama si Angel sa listahan ng mga "Asia's 2019 Heroes of Philanthropy: Catalysts for Change." Isa si Angel sa dalawa lamang na napili mula sa Pilipinas.
Kaya mapa-normal na tao man o celebrity, napapahanga sa kabaitan ni Angel. Isa na sa kanila ay ang aktres na si Agot Isidro, na nagpahayag rin ng kanyang suporta para kay Angel. Sa Twitter, inendorse ni Agot si Angel para sa posisyon ng Department of Social Welfare and Development secretary.
"Ang anak kong si Lyka for DSWD Secretary please." Ito ang pahayag ni Agot sa Twitter nitong nakaraan matapos magtanong si Angel kung ano ang maaari niyang maitulong sa mga nasalanta ng bulkang Taal.
Kabilang sa mga charity works ni Angel ay ang pagtulong niya sa ating mga kababayan tuwing may sakuna, katulad na lamang ng Marawi siege. Bukod pa dito, agad na umaksyon ang aktres ang personal na nagpahatid ng tulong sa mga nasalanta ng lindol sa Mindanao noong Oktubre 2019.
Sa iyong palagay, bagay kayang maging DWSD secretary si Angel Locsin upang mas marami pa siyang matulungan? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Angel Locsin, Inirekomenda Bilang DWSD Secretary ni Agot Isidro
Reviewed by Publisher
on
January 20, 2020
Rating:


Post a Comment