Kumpirmado na! Jadine, Ibinuking ang Rason ng Kanilang Hiwalayan


Matapos ang apat na taong relasyon, nagwakas na ang pag-iibigan ni James Reid at Nadine Lustre, na mas kilala rin sa tawag na "Jadine." Kinumpirma ito ng celebrity couple kamakailan lang, upang sa wakas ay matapos na ang usap-usapan na kumakalat sa social media. Hindi naman nilinaw ng dalawa ang rason kung bakit sila naghiwalay.

Ayon sa isang report sa Philippine Entertainment Portal (PEP), kinumpirma ng Jadine ang kanilang hiwalayan sa isang official statement sa "Tonight With Boy Abunda" noong January 20, 2019. Naglabas sila ng joint-statement upang tuldukan na rin ang mga usapan tungkol sa estado ng kanilang relasyon.



Base sa official statement ng Jadine, wala namang third party sa kanilang love story. Mas nais lamang daw nila mag-focus sa kanilang career at personal na buhay, bagay na hindi nila magagawa nang maayos kung patuloy ang kanilang love team:

"We agreed that going separate ways was best for both of us. We are in good terms and are still really good friends and will continue to work with each other especially when it comes to music," ito ang bahagi ng kanilang official statement na ini-ere sa "Tonight With Boy Abunda."

Kung inyong matatandaan, naunang ibinalita ng PEP ang kanilang hiwalayan noong January 1. Ayon sa sikat na showbiz insider na si Jojo Gabinete, naispatan ang aktres na nag-alsa balutan at umalis mula sa kanilang shared apartment ni James Reid. Ngunit noong mga oras na iyon, tinanggi ni Nadine na hiwalay na sila.


Ayon pa sa statement ng Jadine, mas pinili lamang nila na manahimik at maging mature kaysa i-broadcast sa social media ang kanilang hiwalayan. Sa kabila ng lahat, pinasalamatan nila ang kanilang mga fans sa pagsuporta sa love team nila since 2016.

"Thank you for all the JADINE FANS for their undying support and we hope you continue to support us now and in the future. We shall forever be grateful to them for their love and understanding. Thank you."



Ano ang masasabi niyo sa hiwalayan ng Jadine? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Kumpirmado na! Jadine, Ibinuking ang Rason ng Kanilang Hiwalayan Kumpirmado na! Jadine, Ibinuking ang Rason ng Kanilang Hiwalayan Reviewed by Publisher on January 21, 2020 Rating: 5