Labi ni Kobe, Na-Recover na! Pinoy Fans, Kanya-Kanyang Tribute kay "Black Mamba"
Hindi pa natatapos ang January, ngunit sunod-sunod na trahedya na agad ang nararanasan natin. Nitong nakaraang January 26, buong mundo ang nagluksa sa pagpanaw ng isa sa mga pinakakilalang basketball players sa kasaysayan na si Kobe Bryant. Isa si Kobe sa siyam na nasawi sa helicopter crash sa Calabasas, LA.
Sa kasamaang palad, walang nakaligtas sa walong pasahero at isang piloto na sakay ng helicopter. Kasama sa mga nasawi ang 13-anyos na anak ni Kobe na si Gianna Bryant. Ayon sa mga report, matapos mag-crash sa isang burol ay bigla na lamang nagliyab ang helicopter, kaya't walang nakaligtas.
Tatlong araw matapos ang malagim na trahedya, sa wakas ay narecover na rin ng mga otoridad ang labi ng NBA superstar. Hindi rin naging madali ang pag-recover sa mga katawan at inabot sila ng ilang araw dahil sa matarik na lokasyon kung saan nag-crash ang eroplano.
Dahil sa hindi inaasahang pagpanaw ni Kobe Bryant, milyon-milyong basketball fans sa buong mundo ang nagluluksa. Kabilang na rito ang mga Filipino fans ni Kobe, na nagpahatid ng kanilang pakikiramay sa mga naiwan sa pamamagitan ng kanilang creativity.
Iba't-ibang paraan at diskarte ang mga Kobe fans para magbigay pugay sa LA Lakers player. Sa Smart Araneta Coliseum, libo-libong fans ang nagtipon upang magsulat sa dalawang giant tribute wall para sa namayapang basketball star. Hindi pinalagpas ng mga fans ang pagkakataong ito upang makapagpaalam sa kanilang idolo.
Sa kabilang banda, dinarayo naman sa West Bicutan, Taguig City ang isang tenement dahil sa art tribute nito para kay Kobe. Sa gitna ng malawak na court, isang higanteng mural ni Kobe at ng kanyang anak na si Gianna ang ginuhit ng mga visual artists upang alalahanin ang mag-ama.
Isa ka rin ba sa mga fans na nagluksa sa pagpanaw ng NBA legend na si Kobe Bryant? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Labi ni Kobe, Na-Recover na! Pinoy Fans, Kanya-Kanyang Tribute kay "Black Mamba"
Reviewed by Publisher
on
January 29, 2020
Rating:


Post a Comment