Kahit Mayaman na, Sanay pa rin sa Buhay Probinsya si Angeline Quinto


Sa panahon natin ngayon, bihira ka na lamang makatagpo ng mga celebrity na nananatiling down-to-earth pa rin sa kabila ng kasikatan. Kadalasan, kapag sumisikat ang isang artista ay nagbabago rin ang attitude niya dahil sa kanyang kasikatan at yaman. Ngunit hindi lahat ay ganito, at meron pa rin namang mangilan-ngilan na humble pa rin.

Isa na sa kanila ay si Angeline Quinto,  na kahit pa gaano na kasikat ay nananatiling simple pa rin. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na galing rin sa buhay na salat si Angeline. Kaya naman kahit sumikat na siya bilang singer, hindi pa rin nagbago ang attitude niya.


Sa katunayan, ilang beses nang ipinakita ni Angeline ang kanyang humble attitude sa likod o harap man ng camera. Dahil laki siya sa hirap, hindi nakakalimot ang sikat na Kapamilya singer na lumingon sa kanyang pinanggalingan.

Kamakailan lang ay pinatunayan ni Angge na wala pa ring tatalo sa buhay probinsya. Ayon sa "Minute to Win It" star, na-inspire siya sa isang sikat na Youtube vlogger na Li Ziqi, kaya naman gusto rin niyang maranasan ang 'Overnight Kubo Challenge' kung saan titira siya sa isang kubo sa loob ng isang araw.



Ibinahagi ni Angge ang kanyang one-of-a-kind experience sa kanyang mga fans sa Youtube. Sa kanyang vlog, ipinasilip ng Kapamilya singer ang kanilang simple, ngunit mapayapang pamumuhay sa bahay-kubo. Kahit pa saglit lamang ang pananatili nila doon, nakapag-relax naman si Angeline.

Sa kabilang banda, maraming netizens ang naaliw sa latest vlog na ito ni Angeline. Pinuri rin nila ang singer, dahil kahit pa mayaman ito ay wala pa ring kaarte-arte sa katawan. Agad itong umani ng iba't-ibang reaksyon sa social media, at marami ang nag-request ng part two!



Bilib ka rin ba sa down-to-earth na attitude ni Angeline Quinto? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights.
Kahit Mayaman na, Sanay pa rin sa Buhay Probinsya si Angeline Quinto Kahit Mayaman na, Sanay pa rin sa Buhay Probinsya si Angeline Quinto Reviewed by Publisher on January 29, 2020 Rating: 5