Kulelat sa Reading Comprehension? Suggestion Box sa LRT, Ginawang Tip Box ng mga Commuters
Noong December 2019, panghuli ang Pilipinas sa 79 na mga bansa pagdating sa reading comprehension. Maraming Pinoy ang agad na na-offend sa worldwide study na ito at pinagtanggol ang mga Pinoy. Ngunit mukhang may katotohanan rin ang study na ito, at isa sa mga halimbawa ay ang nangyari sa LRT station na ito.
Bawat Light Railway Transit station ay mayroong suggestion box, upang maipahatid ng mga commuters ang kanilang comments tungkol sa sistema ng MRT. Kitang-kita ang mga suggestion box na katabi ng ticketing booth, at may nakalagay pang 'customer feedback box.'
Sa kabila ng lahat, mukhang hindi lahat ng commuters ay may oras para magbasa ng sign. Dahil sa isang LRT station na ito, ang customer feedback box ay nagmistulang donation box! Usap-usapan ngayon sa social media ang viral post na ito ni Kyle Vince Dizon patungkol sa 'reading comprehension skills' ng mga Pinoy.
Ayon kay Kyle, ang suggestion box na ito ay nakalagay sa Abad Santos, kung saan daan-daang commuters ang araw araw na sumasakay. Ngunit sa kabila ng dami ng mga pasahero, mukhang madami rin ang hindi nabasa nang maiigi ang sign na nakalagay sa suggestion box.
Dahil imbes na mga papel, napuno ito ng barya at pera! Napagkamalan sigurong donation box ang transparent na kahong ito. Agad namang umani ng reaksyon ito sa social media. Sa ngayon ay mahigit 21,000 shares na ang post na ito ni Kyle sa Facebook.
May ibang mga netizens na na-offend, ngunit marami rin naman ang natawa dito. Sa kabila ng lahat, may mga tao rin na itinuturing ito na repleksyon ng tunay na estado nating mga Pinoy pagdating sa pang-unawa. Kung ang simpleng sign ay hindi na maintindihan, paano pa kaya ang ibang mas kumplikado?
Silipin ang mixed reactions ng mga netizens tungkol dito:
Ano ang masasabi niyo sa suggestion box na ito na napagkamalang donation box? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang updates, i-follow ang Daily Insights sa Facebook.
Kulelat sa Reading Comprehension? Suggestion Box sa LRT, Ginawang Tip Box ng mga Commuters
Reviewed by Publisher
on
January 22, 2020
Rating:



Post a Comment