Kilalanin ang Babaeng Nagpabago sa Buhay ni Baron Geisler


Kilala si Baron Geisler sa kanyang dating notorious na reputasyon sa mundo ng showbiz. Ilang beses rin siyang nadawit sa mga kontrobersya dati, na kadalasan ay dulot ng kanyang alcohol problem. Dahil dito, noong 2017, matapos ang sunod-sunod na personal na problema at issue, pansamantalang nagpaalam sa showbiz ang 90s actor.

Pansamantalang nanatili ang 37-anyos na aktor sa Cebu City. Noong una'y naghahanap lamang siya ng bagong panimula, ngunit hindi inaasahan ni Baron na dito na pala mababago ang kanyang buhay. Habang nasa Queen City of South, dito na nakilala ni Baron ang babaeng kanyang mapapangasawa.


Si Jamie Marie Evangelista ay isang psychologist na nakatira rin sa Cebu. Ngunit noong una, hindi nila inaakala na magkakatuluyan pala sila. Ayon kay Baron, nagsimula ito sa asaran hanggang sa nauwi na sa totohanan. At noong September 2019, ikinasal ang dalawa sa isang simpleng court ceremony.

Sa kanyang mga interviews, aminado ang Kapamilya aktor sa naging role ni Jamie upang magbago siya. Matapos mapalapit kay Jamie, mas napalapit rin si Baron sa church at unti-unting naging manageable ang kanyang alcohol problem. Sa Cebu na rin siya nagsimula ng kanyang barber business.



"When I had nothing, wala pa 'yung barber shop ko, nung walang-wala ako, she supported me. Kasi ang buong pag-aakala ko wala na akong babalikan sa showbiz, kaya nagtayo na lang ako ng business," ito ang ibinahagi ni Baron sa kanyang interview.

Noong 2019 ay nagbalik showbiz si Baron nang kunin siya ni Coco Martin sa "Ang Probinsyano." Isang malaking blessing ito para kay Baron, at aminado siyang malaki ang utang na loob niya kay Coco dahil sa opportunity na ito. Sa ngayon naman, maraming fans ang nag-aabang kung ano ang susunod na chapter sa buhay ni Baron at Jamie.



Excited na rin ba kayong matunghayan ang bagong buhay-pamilya ni Baron Geisler at ng kanyang asawa? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang updates, i-follow ang Daily Insights sa Facebook.
Kilalanin ang Babaeng Nagpabago sa Buhay ni Baron Geisler Kilalanin ang Babaeng Nagpabago sa Buhay ni Baron Geisler Reviewed by Publisher on January 22, 2020 Rating: 5