"Future Lyca Gairanod"- Batang Kalye, Pinabilib ang Netizens sa Kanyang Talento


Naaalala niyo ba pa si Lyca Gairanod? Noong 2014, pinahanga ni Lyca ang buong bansa nang maging grand champion siya ng "The Voice Kids." Dati'y mangangalakal lamang si Lyca sa lansangan, ngunit ngayon ay halos hindi na siya makilala. Talagang malayo na nga ang narating ni Lyca sa kanyang career.

Ngunit mukhang may ready nang pumalit kay Lyca! Kamakailan lang ay may isang batang kalye ang naging usap-usapan sa social media. Dahil sa angking galing nito sa pagkanta, hindi napigilan ng mga netizens na ikumpara siya sa dating "The Voice" champion na si Lyca Gairanod.



Sa pagkakataong ito, isang batang lalaki naman ang gumawa ng ingay sa social media. Ibinahagi ng Facebook page na "Teen On Line- Gorgeoustar Talent Agency" ang nakakamanghang song cover ng batang ito. Kinanta niya ang hit song na "Binalewala" ni Michael Dutchi Libranda.

Nakaupo lamang siya sa kariton ng kanyang mga kalakal, pero mamamangha ka sa mala-gintong boses niya. Agad namang nag-viral ang video na ito, dahil maraming tao ang napabilib sa mala-anghel na boses niya. Ngunit napag-alaman ng mga netizens na hindi pala ito ang unang pagkakataon na sumikat siya.



Ayon sa Definitely Filipino, maraming pagkakataon na rin na sumikat sa Faceboom ang batang ito, na kinilala bilang si Michael Angelo Tatad. Minsan na ring naimbitahan sa isang TV show ang 12-anyos na batang ito.

Dahil sa kanyang angking talento, maraming nag-uudyok kay Michael na sumali sa mga singing shows. Kinukumpara rin siya kay Lyca Gairanod, na isa lamang batang-kalye dati, ngunit dahil sa kanyang talento sa pagkanta ay naging isang sikat na singer na ngayon.


Panoorin ang kanyang makapanindig-balahibong song cover dito:


Namangha ka rin ba sa angking talento ng batang ito? Siya na kaya ang future na Lyca Gairanod? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
"Future Lyca Gairanod"- Batang Kalye, Pinabilib ang Netizens sa Kanyang Talento "Future Lyca Gairanod"- Batang Kalye, Pinabilib ang Netizens sa Kanyang Talento Reviewed by Publisher on January 29, 2020 Rating: 5