Dahil sa Umaapaw na Relief Goods, Taal Evacuee, Nagtayo na ng Sari-Sari Store!


Kilala ang mga Pilipino sa buong mundo sa ating pagiging masayahin. Katunayan, kahit sa harap ng problema ay nakakahanap pa rin ang mga Pinoy ng rason upang sumaya. Kamakailan lamang ay napatunayan ito sa gitna ng sakuna sa Taal volcano, kung saan libo-libong pamilya ang napilitang lumikas sa kanilang mga tahanan.

Kahit pa may nakaambang peligro, nagawa pa rin ng mga Taal evacuees na maging positibo. Kung inyong matatandaan, kamakailan lang ay nag-viral ang mga evacuees na inirampa ang mga costume at damit mula sa mga donation. Nagmistulang fashion show ang evacuation center dahil sa mga porma nila!


Sa pagkakataong ito, isa na namang Taal evacuee ang muling nagpahatid ng ngiti at saya sa mga netizens. Dahil ibinaba na sa Alert Level 3 ang Taal, maraming pamilya na ang nakauwi na sa wakas sa kanilang mga tahanan. Isa na doon ay ang pamilya ng netizen na si Christian Finn de Villa.

Balot man sa putik at abo ang kanilang lugar, masaya naman ang buong pamilya dahil walang napahamak sa kanila. Sa katunayan, maswerte pa nga sila dahil parang nanalo sila ng papremyo! Umaapaw sa mga donasyon galing sa evacuation centers ang naiuwi nila sa kanilang bahay.



Kasama sa mga donasyon ay ang mga iba't-ibang klase ng damit, kumot, tubig, at syempre, hindi mawawala ang mga de-lata at instant noodles. Isa ang pamilya ni Christian sa maraming nakatanggap ng mga donasyon mula sa iba't-ibang panig ng mundo.

Dahil sa dami ng natanggap nila, nagbiro si Christian na maaari na silang makapagpatayo ng sari-sari store! Pinicturan niya pa ito at ibinahagi sa mga netizens sa social media para pampa-good vibes. Sa unang tingin, aakalain mo talagang grocery store ito!

Agad namang umani ito ng iba't-ibang reaksyon sa social media. Sa ngayon ay mahigit 9k shares na ang viral post na ito ni Villa.



Ikaw, naaliw ka rin ba sa ginawang pampa-good vibes ng Taal evacuee na ito? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.

Dahil sa Umaapaw na Relief Goods, Taal Evacuee, Nagtayo na ng Sari-Sari Store! Dahil sa Umaapaw na Relief Goods, Taal Evacuee, Nagtayo na ng Sari-Sari Store! Reviewed by Publisher on January 31, 2020 Rating: 5