Dating Taga-Kolekta ng Kaning Baboy, Milyonaryang CEO na Ngayon!


Ayon sa isang kasabihan, bilog ang mundo. Kung ngayon ay nasa ibaba ka, hindi ito panghabangbuhay at maaari pang magbago ang kapalaran mo. Kung ikaw ay nagsisikap at magkakaroon ng positibong pananaw, maaring isang araw ay matagpuan mo na lang ang sarili mo sa ibabaw. Ganito ang nangyari sa babaeng ito, na nagmula sa hirap at umangat sa buhay.

Itinampok ang istorya ni Josephine Floresca sa "Kapuso Mo, Jessica Soho" noong 2017. Ngunit sa pagpasok ng bagong taon, muli itong sinariwa ng programa upang magbigay ng pag-asa at inspirasyon sa mga Pinoy. Talagang nakakamangha ang kwento ni Josephine, dahil mula sa pangongolekta ng kaning baboy, CEO na siya ngayon!


Sa ngayon ay isang matagumpay na CEO at businesswoman si Josephine. Marami siyang ari-arian, investment, at business tulad na lamang ng hotel, restaurant, commercial building, at marami pang iba. Talaga nga namang masasabing maginhawa ang pamumuhay niya, ngunit hindi rin naging madali ang kanyang pinagdaanan para makamit ito.

Sa kanyang interview sa KMJS, inamin ni Josephine na laking-hirap lamang siya. Bata pa lamang ay napilitan na siyang magbanat ng buto para makatulong sa pamilya niya. Sa edad na walong taong gulang, naranasan ni Josephine na magkolekta ng kaning baboy at magtinda ng gulay sa palengke para lamang kumita ng pera.



Dahil hindi nakapagtapos, naisip na lamang ni Josephine na hanapin ang kanyang swerte sa Taiwan. Nagtrabaho siya bilang kasambahay at dito na rin siya natutong mag-Mandarin. Matapos makita ang kanyang tyaga at potensyal, kinuha siya bilang real estate agent ng isang Taiwanese investor.

Dito na nagsimula ang pag-angat ng buhay ni Josephine. Dahil sa kanyang sipag at tyaga, unti-unti siyang nakapag-ipon at nakapag-pundar ng mga ari-arian. Ngayon, malayong-malayo na ang estado ng buhay niya sa kahirapang kinamulatan niya dati. Iba talaga ang nagagawa kapag pursigido ang isang tao!



Nawa'y magsilbing inspirasyon sa lahat ang kwentong ito ni Josephine. Sino nga bang mag-aakala na ang dating tagakolekta lang ng kaning baboy ay magiging milyonarya na ngayon? Panoorin ang kwento ng kanyang buhay dito:


Na-inspire ka rin ba sa kwento ni Josephine? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Dating Taga-Kolekta ng Kaning Baboy, Milyonaryang CEO na Ngayon! Dating Taga-Kolekta ng Kaning Baboy, Milyonaryang CEO na Ngayon! Reviewed by Publisher on January 07, 2020 Rating: 5