Ex ni James na si Ericka Villongco, Nag-React sa Break-Up ng Jadine
Sa gitna ng break-up ni James Reid at Nadine Lustre, tiyak na maraming fans ang nalungkot. Ngunit may mangilan-ngilan rin namang natuwa, at isa na sa kanila ay ang ex-girlfriend ni James Reid na si Ericka Villongco. Nang pumutok ang balita tungkol sa hiwalayan ng Jadine, isa si Ericka sa mga naunang nag-react sa social media.
Isang araw matapos kumpirmahin ni Nadine at James ang kanilang hiwalayan, nag-post naman si Ericka ng kanyang reaksyon tungkol sa issue. Ayon sa dating singer, na ngayon ay nakatira na sa U.S., maraming tao ang nagme-message sa kanya upang hingian siya ng opinyon tungkol sa hiwalayan ng Jadine.
Bilang sagot, maikli lamang ang reply ni Ericka, ngunit marami ang hindi natuwa dito: "My DM is flooded with the "Did you hear?" "What do you have to say about.." "He's a cheat*r.." This is me right now letting the news speak for itself."
Kasabay nito, nag-post rin si Ericka ng selfie na may mga words na nakapalibot sa kanyang mukha tulad ng "Karma's a b*tch," "God spared me," at "LOL." Hindi naman ito nagustuhan ng mga Jadine fans, na agad nag-react at binatikos ang dating singer sa kanyang 'insensitivity' tungkol sa issue.
Ngunit agad rin namang binura ni Ericka sa kanyang Instagram account ang post na ito. Matapos iyon, nag-issue rin siya ng apology ngunit hindi niya nilinaw kung para kanino. Ayon kay Ericka, narealize niya na "impulsive move" lamang ito at ayaw niyang madawit pa sa breakup ni James at Nadine.
"Deleted my post because I realied it was a bad joke, I'm sorry for letting the impulsive aries get the best of me. This really isn't any of my business and it is never okay to be mean to people," matapos ito ay hindi na muling nagsalita pa si Ericka tungkol sa issue na ito.
Ano ang masasabi mo tungkol sa reaksyon na ito ni Ericka Villongco tungkol sa hiwalayan ng Jadine? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Ex ni James na si Ericka Villongco, Nag-React sa Break-Up ng Jadine
Reviewed by Publisher
on
January 23, 2020
Rating:


Post a Comment