Hiwalayan ng Jadine, Pakulo nga Lang ba?
Sa pagpasok ng bagong taon ay pumutok rin ang nakakagulat na usap-usapan tungkol sa love team na Jadine. Nalungkot ang maraming fans matapos umugong ang tsismis na hiwalay na umano si James Reid at Nadine Lustre. Dahil dito, hindi napigilang maging malungkot ang pasok ng taong 2020 sa mga supporters ng Jadine.
Bago pa man sumapit ang taong 2020, may mga clue na ng diumanong hiwalayan ng Jadine. Kilala si James at Nadine sa kanilang pagiging vocal at expressive sa social media, kaya naman nang hindi sila mag-post tungkol sa isa't-isa ay napaisip na ang mga fans. Bukod pa dito, mayroon ding mga cryptic caption si Nadine sa Instagram.
Sa pagmamatyag ng mga fans, hindi nila mapigilang mapansin na tila may kakaiba sa mga caption ni Nadine sa IG. Ayon sa iba, mukhang senyales ito na may nangyayaring away sa Jadine. Mas lalo pang umugong ang usap-usapan nang hindi mag-post ang dalawa ng kanilang New Year's eve celebration.
Sa kabila ng mga isyu, mukhang hindi naman kumbinsido ang ibang fans. Sa social media, may mga netizens na nag-iisip na baka ito'y publicity stunt lamang ng kampo ni James Reid. Ngunit ano nga ba ang makukuha ng aktor kung gagawin niya ito? Kung iyong matatandaan, mayroong upcoming show si James kasama ang K-pop star na si Nancy McDonie ng Momoland.
Ayon sa mga mapagmatyag na fans, mukhang ginagamit lang ang break-up para gumawa ng ingay at mapag-usapan ang bagong project ni James. Bukod pa dito, mayroon ring mga nag-post ng katibayan na hindi pa hiwalay ang Jadine. Diumano'y magkasama pa ang dalawa sa Buena Noche kasama ang pamilya ni James.
Sa kabilang banda, sinuportahan rin ito ng Kapamilya reporter na si MJ Felipe matapos niyang kumpirmahin na magkasamang sumalubong sa bagong taon ang Jadine. Ayon kay MJ, nag-host ang love team ng isang bonggang New Year's Eve party sa Rockwell, Makati. Sa ngayon naman ay nananatiling tikom ang kampo ni James at Nadine tungkol sa mga kumakalat na usapan tungkol sa estado ng kanilang relasyon.
Sa iyong palagay, talagang nauwi na nga kaya sa hiwalayan ang tambalan ni James at Nadine? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights.
Hiwalayan ng Jadine, Pakulo nga Lang ba?
Reviewed by Publisher
on
January 02, 2020
Rating:

Post a Comment