Tatay na Halos Magkandakuba sa Pagsasaka, Napagtapos ang Walong Professionals
Wala na sigurong mas hihigit pa sa sakripisyo ng isang magulang para sa kanyang mga anak. Lahat ay kaya nilang gawin para lamang mabigyan ang kanilang pamilya ng magandang buhay at kinabukasan. Katulad na lamang ng tatay na ito, na halos magkandakuba na sa pagsasaka para lamang mairaos ang pamilya niya.
Sa kabila ng hirap ng pagsasaka, hindi tumigil ang butihing ama na ito para mairaos ang pamilya niya. At dahil sa pagsasaka, naigapang niya ang pag-aaral ng hindi lang isa, kundi walong mga anak niya! Kaya naman malaki ang pasasalamat sa kanyang ng kanyang mga anak.
Isa sa kanila ay si Jovy Cataraja-Albite, na isa sa mga anak na babae ni Tatay. Sa Facebook, ipinahayag ni Jovy ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa kanyang mga magulang. Ayon kay Jovy, kung hindi dahil sa pagsisikap ng kanilang mga magulang ay hindi nila makakamit ang tagumpay ng mga kapatid niya.
Si Jovy ang panganay sa walong magkakapatid. Hindi naging madali ang buhay nila dahil na rin sa kahirapan. Gayunpaman, tinuruan si Jovy ng kanyang nanay at tatay na magpursigi upang mabago ang kalagayan nila. Parehas na nagsasaka sa bukid ang mga magulang nila.
At dahil sa pagsasaka, unti-unting napagtapos nila Tatay ang kanilang mga anak. Kahit na magkandakuba siya sa kaka-trabaho, hindi niya ito iniinda dahil ang mahalaga ay ang kinabukasan ng pamilya niya. At sa huli ay nasuklian naman ang mga sakripisyo ni tatay!
Ngayon ay mayroon na siyang mga anak na nagtapos ng iba't-ibang kurso. Mayroong nurse, pulis, architect, marine, accounting staff, civil engineer, teacher, at nautical! Talagang nakakamangha isipin kung paano nairaos ni Tatay na pagtapusin ng iba't-ibang kurso ang mga anak niya.
Ngayong matanda na si tatay, sila naman ang tinutulungan ng mga anak nila. Panahon na rin ito para makapagpahinga sila at lasapin ang maginhawang buhay. Ayon kay Jovy, napakalaki ng utang na loob nila sa kanilang mga magulang, kaya naman laking pasasalamat nila sa mga ito.
Naantig rin ba kayo sa kwentong ito ng isang tatay na kumakayod para sa kanyang pamilya? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Tatay na Halos Magkandakuba sa Pagsasaka, Napagtapos ang Walong Professionals
Reviewed by Publisher
on
January 09, 2020
Rating:

Post a Comment