WATCH: Part 2 ng Pag-Aksyon ni Idol Raffy Laban Nagwalang Doktor
Naaalala niyo pa ba ang road rage video na nag-viral online? Kamakailan lang ay naging usap-usapan sa social media ang ginawang pagwawala sa daan ng isang doktor. Dahil lamang sa away-trapiko, minura at binato ng surgeon na si Tomas Joaquin Mendez ang sasakyan ni Santiago Paredes at ng pamilya nito.
Sa video na kuha ng asawa ni Paredes na si Merly, kitang-kita kung paano nagwala at nag-amok ang doktor. Matapos siyang komprontahin ni Santiago sa pambabato sa kanila, nagsimula nang magmura at magwala si Mendez sa gitna ng daan. Kahit na may mga bata sa loob ng sasakyan ay patuloy lang ang pagwawala ni Mendez.
Dahil dito, dumulog sa tanggapan ni Raffy Tulfo ang mag-asawa. Doon rin napag-alaman na hindi pala ito ang unang pagkakataon na nag-amok si Mendez sa daan. Sa katunayan, noon pa man ay may nabiktima na itong motorista na kanya ring dinuro-duro. Agad naman itong inaksyunan ni Tulfo upang mawalan ng driver's license si Mendez.
Bukod pa dito, nangako rin ang "Wanted sa Radyo" host na papatanggalan niya ng professional license si Mendez bilang doktor dahil sa 'unethical' na mga kilos nito. Ngunit matutuloy kaya ito upang mabigyan ng hustisya ang naagrabyadong driver ni Mendez? Sa part 2 ng video, nagkaroon na ng katuparan ang mga aksyon ni idol!
Matapos umere ang episode ay agad agad na umaksyon si Idol Raffy. Kasama ang kanyang staff, sa wakas ay nakapag-file na rin ng blotter case si Paredes laban sa matapobreng doktor. Bukod pa dito, sinubukan rin nilang puntahan ito sa hospital na pinagtatrabahuhan nito na Diliman Doctors Hospital ngunit pinagbawalan sila ng security na makapasok sa loob.
Upang mas mapagtibay pa ang kaso laban kay Mendez, binalikan rin ni Tulfo ang isa pang motorista na nakaalitan niya dati. Kinapanayam niya si Chris Pulo Eusebio, na nagpatunay sa ugali ng doktor.
Ayon kay Eusebio, kasama rin niya ang kanyang anak at asawa sa loob ng sasakyan nang bigla na lamang silang pinagsalitaan ng hindi maganda ng doktor. Panoorin ang buong pangyayari sa video na ito:
Sa tingin niyo ba'y dapat na matanggalan ng professional license ang doktor na ito? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba lang update, i-follow ang Daily Insights sa Facebook
WATCH: Part 2 ng Pag-Aksyon ni Idol Raffy Laban Nagwalang Doktor
Reviewed by Publisher
on
December 04, 2019
Rating:

Post a Comment