“Di nila sinabi"- Jerald Napoles, Ibinunyag na Biglaan ang Pag-Cancel sa "Sunday Pinasaya"
Matapos ang apat na taon sa telebisyon, tuluyan nang mamamaalam ang variety show na "Sunday Pinasaya." Sa huling pamamaalam ng show, sakto namang lumipat na rin ng network ang isa sa mga hosts nito na si Jerald Napoles. Ngunit kahit pa lilipat na siya sa Viva Agency na number 1 pa rin sa kanya ang "Sunday Pinasaya."
"Nakakahinayang lang kasi kahit papaano, totoo naman na naging number 1 noontime Sunday show kami," ito ang pahayag ng komedyante sa kanyang contract signing sa Viva Agency. Ayon kay Jerald, hindi nila inaasahan ang biglang pagtigil ng show dahil mataas naman ang ratings nito.
Matatandaang kamakailan lang ay inanunsyo ng APT Entertainment na titigil na sa pag-ere ang "Sunday Pinasaya." Matapos ang higit 4 years nito sa telebisyon, nakatakda na sa December 22 ang huling episode nito, bagay na kinadismaya ng mga hosts. Ayon kay Jerald, maraming artista ang naging emosyonal matapos malaman ang desisyong ito.
Sa apat na taon nilang pagsasama ay hindi mapigilang maging malapit na ang mga hosts sa isa't-isa. Ayon kay Gerald, nagsimula lamang sila sa sampung artista, hanggang sa patuloy na lumago ng lumago ang kanilang "Sunday Pinasaya" cast. Sa linggo-linggo nilang pagshu-shooting ay naging pamilya na rin ang turingan nila sa isa't isa.
"May mga nag-iyakan, siyempre yung mga babaeng artista. Kasi po ang Sunday PinaSaya, the first two years po nito, sampu lang kami. So, sa dalawang taon, kung sampu lang kayo na nagkikita-kita, including the senior actresses and icons na nandoroon and actors, nabuo po siya na parang isang buong pamilya."
Sa kabilang banda, inihayag ng GMA na papalitan ng "All Out Sunday" ang "Sunday Pinasaya." Katulad ng papalitan nitong program, ang AOS ay isang noontime show na mayroon ring musical variety. Kung kukuning host dito si Jerald, tatanggapin niya kaya ang offer?
Ayon kay Jerald, buong puso niya itong tatanggapin, lalo pa't sa GMA siya nagmula. Ngunit sa ngayon ay excited ang komedyante sa kanyang bagong panimula sa Viva Agency. Kahit nagtapos man ang "Sunday Pinasaya," napalitan naman ito ng isang panibagong opportunity kay Jerald.
Excited na rin ba kayong mapanood ang bagong variety show ng GMA? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
“Di nila sinabi"- Jerald Napoles, Ibinunyag na Biglaan ang Pag-Cancel sa "Sunday Pinasaya"
Reviewed by Publisher
on
December 04, 2019
Rating:






Post a Comment