Balasubas na Taxi Driver, Sobra-Sobra ang Singil sa Balikbayan OFW!
Isa sa mga pinakainaabangang araw ng mga overseas Filipino worker ay ang kanilang pag-uwi sa Pinas. Sa kanilang pag-uwi, sabik na sabik silang makasamang muli ang kanilang pamilya. Ngunit para sa OFW na si Kristine Aumentado, naudlot ang kanyang kasiyahan sa pag-uwi sa Pinas matapos salubungin ng isang mapagsamantalang taxi driver.
Imbes na saya ay napalitan ng inis at perwisyo ang pagbabalikbayan ni Kristine na isang domestic helper sa Saudi Arabia. Pagkauwi niya, imbes na pumasyal kasama ang pamilya ay agad dumiretso si Kristine sa programa ni Raffy Tulfo na "Wanted sa Radyo." Inireklamo niya ang taxi driver na si Pablo Tan na diumano'y nanamantala sa kanila.
Ayon sa salaysay ni Kristine, sumakay siya at ang kanyang asawa sa taxi ni Tan. Mula NAIA terminal 3 ay papunta sila sa terminal ng bus sa Legarda. Ngunit nang matunugan ni Tan na OFW ang kanyang pasahero, tinaga niya ito sa pamasahe! Siningil sila ng P2,200, at nang tumanggi silang magbayad, sapilitan rin silang ikinulong at hindi pinababa sa taxi.
Dahil dito, walang nagawa si Kristine at ang kanyang asawa kundi magbayad sa hinihinging pamasahe. Ngunit hindi diyan nagtatapos ang kabulastugan ng driver. Bukod sa panggigipit sa kanila sa pamasahe, ibinunyag ni Kristine na mayroon pa daw itong kasama na nagsisilbing kundoktor, bagay na bawal sa mga taxi driver.
Agad-agad namang umaksyon si Raffy Tulfo at kinausap ang operator ng taxi driver. Ayon kau Wilhelm Piano, matapos pumutok ang issue ay hindi na muling nagpakita sa kanila si Tan. Wala rin daw silang idea na ganito pala ang ginagawa ni Tan sa mga pasahero. Gayunpaman, bukas ang loob nila na tumulong kay Kristine at sa kanyang asawa.
Ayon kay Kristine, inipit rin ni Tan ang isa sa kanyang mga maleta. Ngunit mukhang hindi na ito makukuha, dahil sa ngayon ay nagtatago na ang taxi driver. Mababawi niya pa kaya ito? Lilitaw pa kaya si Tan upang harapin ang pasahero na ginulangan niya? Panoorin ang buong pangyayari sa video na ito:
Sa tingin niyo'y dapat kayang sampahan ng kaso ang manlolokong driver na ito? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang updates, huwag kalimutang i-follow ang Daily Insights sa Facebook.
Balasubas na Taxi Driver, Sobra-Sobra ang Singil sa Balikbayan OFW!
Reviewed by Publisher
on
December 04, 2019
Rating:

Post a Comment