Vic Sotto, Ready Nang Sundan si Baby Talitha


Maraming sikat na celebrity couple ang patok ngayon online. Isa na sa kanila ay si Vic Sotto at Pauleen Luna, na iniidolo ng karamihan. Sino nga ba ang hindi hahanga sa celebrity couple na ito? Sa kabila ng kanilang May-December relationship, pinatunayan ni Vic at Pauleen na mas nangingibabaw ang kanilang pagmamahal sa isa't-isa.

Ikinasal si Vic at Pauleen noong February 2016, matapos ang ilang taon na pagiging magka-relasyon. Isang taon matapos silang nag-isang dibdib, biniyayaan si Pauleen at Vic ng kanilang first baby na si Baby Talitha. Nanganak ang "Eat Bulaga" host noong November 2017.



Mahilig ring magbahagi ng updates ang celebrity couple sa social media. Lalo na si Pauleen, na laging nagshe-share ng mga cute photos ni Baby Talitha. Dahil dito, maraming fans ang laging nakaabang sa daily updates ng mag-asawa tungkol sa kanilang buhay pamilya.

Ngayon, isang bibo at cute na toddler na si baby Talitha. May balak pa kaya ang mag-asawa na sundin ang kanilang anak? Sa isang interview, inamin ng 65-anyos na si Vic Sotto na mayroon silang plano ni Pauleen, ngunit hindi pa sa ngayon dahil parehas pa silang kulang sa oras.


Noong November, sinabi ni Vic at Pauleen na wala silang ibang wish ngayong Pasko kundi ang kaligtasan nila at ang madagdagan pa ang kanilang pamilya. Ngunit ayon kay Vic, may tamang panahon para dito.

"Oh yes definitely. Naghahanap nang kalaro si Tali eh. Hinihintay ko pan lumamig yung panahon, wala pa eh, bitin pa. Medyo busy pa ako," ito ang pahayag ni Vic Sotto nang tanungin siya kung nais na ba nilang bigyan ng kapatid ang kanilang unica hija ni Pauleen Luna.

Sa ngayon ay katatapos lang ng shooting ni Vic Sotto para sa kanilang Metro Manila Film Festival entry. Kamakailan lang ay nag-celebrate sila ng kanilang 3rd wedding anniversary sa Japan kasama si baby Talitha. Enjoy na enjoy naman si baby Tali na makita ang mga tourist spots sa Japan.



Excited ka na rin bang magkaroon ng second baby si Pauleen at Vic? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Vic Sotto, Ready Nang Sundan si Baby Talitha Vic Sotto, Ready Nang Sundan si Baby Talitha Reviewed by Publisher on December 27, 2019 Rating: 5