Estudyante, Nakatanggap ng Isang Sakong Semento sa Kanilang Exchange Gift
Sa pagsapit ng Pasko dito sa Pilipinas, hindi mawawala ang mga makukulay at masasayang tradisyon ng mga Pinoy. Isa na rito ay ang pinakainaabangan nating exchange gift! Mapa-Christmas party man sa school, office, o kahit simpleng salu-salo lang sa bahay, hindi mawawala ang pagpapalitan ng regalo sa araw ng Pasko.
Sinisimbolo ng exchange gift ang tunay na diwa ng Pasko: ang pagbibigayan. Sa paraang ito, maipapadama natin sa ibang tao ang ating pagmamahal. May iba-iba ring pakulo upang mas masaya pa ang exchange gift. Sa paglipas ng panahon, kung ano-anong pakulo at twists na rin ang inimbento para mas maging exciting ito.
Ilan sa mga ito ay ang 'Monito, Monita,' 'Secret Santa,' 'Kris Kringle,' 'White Elephant,' at marami pang iba! Kadalasan, nagreregalo ang mga tao ng mga bagay bagay hindi upang mapakinabangan, kundi upang mabigyan ng kasiyahan ang taong tatanggap.
Katulad na lamang ng nangyari sa Christmas party ng mga estudyanteng ito. Imbes na bagay na mapapakinabangan, ang team ng kanilang exchange gift ay "something na mahirap iuwi." At talaga namang naging creative ang mga estudyante upang masorpresa ang kanilang reregaluhan!
Ayon sa Facebook post ng netizen na si Christian Joson, natawa ang buong klase matapos makita ang kanyang natanggap na regalo. Ang nakuha kasi niya, isang sako ng semento! Nakabalot pa talaga ito sa wrapping paper at habang binubuksan ito, natawa na lamang ang nakatanggap.
Sa kabilang banda, maraming netizens naman ang naaliw sa "something na mahirap iuwi" na regalong ito. Marami rin ang nagustuhan ito, at nais na subukan sa kanilang susunod na exchange gift. Hindi nga naman araw araw ay makakakita tayo ng ganitong klaseng regalo! Ang tanong lang ngayon, paano kaya ito naiuwi ng nakatanggap?
May kakaiba rin ba kayong paandar para sa inyong exchange gift? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Estudyante, Nakatanggap ng Isang Sakong Semento sa Kanilang Exchange Gift
Reviewed by Publisher
on
December 27, 2019
Rating:

Post a Comment