Tatay na Driver, Nahiyang Sumama sa Selfie ng mga Anak Dahil sa Suot na Uniporme
Para sa isang ama, kaya nilang suungin ang kahit anong pagsubok para sa kanilang anak. Kaya naman araw gabi ay kumakayod sila para lamang mabigyan ng magandang buhay ang kanilang pamilya. Dahil dito, nararapat lamang na bigyang-pugay natin ang ating mga dakilang ama na sumuporta sa atin mula pagkabata hanggang sa ating pagtanda.
Ganito rin ang ipamalas ng dalawang magkapatid na ito sa kanilang tatay na isang jeepney driver. Nasaksihan nila ang mga sakripisyo sa kanilang pamilya ng kanilang ama, kaya naman malaki ang respeto at pagmamahal nila dito. Naging usap-usapan sa social media ang nakakaantig na Facebook post ng magkapatid na ito.
Sa Facebook, nagbahagi si Anne Ben ng litrato nilang magkapatid kasama ang kanilang tatay. Sa una'y mukhang masaya ang magpapamilya, ngunit ayon kay Anne, noong una ay nag-alangan pa ang papa niya na magpakuha ng litrato sa kanila dahil sa suot niyang polo na blue, na uniporme ng mga jeepney driver.
Sa kabila ng kanyang pagtanggi, pinilit si Tatay ng dalawa niyang anak na magpapicture sa kanila. Ayon sa kanyang mga butihing dalaga, kahit pa naka-uniporme ang tatay nila ay hindi nila ito ikinahihiya, bagkus ay proud na proud pa sila dahil sa marangal na trabaho nito.
"'Nakakahiya naman mga anak naka-uniform pa ako.'" Never ka namin ikinahiya isama sa picture na naka-uniform ng pang-jeepney driver pa! Dahil sobrang proud kami sa inyo," ito ang maikli ngunit tagos sa pusong mensahe ni Anne para sa kanyang ama, na matagal na raw namamasada para mairaos sila sa pang-araw araw.
Agad namang nag-viral sa social media ang nakakaantig na kwentong ito ng mag-ama. Sa Facebook, umabot na ng halos 33,000 shares ang post na ito! Talagang maraming netizens ang naantig sa kwento nila. May iba ring nagbahagi ng kanilang kwento at ipinagmalaki ang kani-kanilang mga magulang na kumakayod upang bigyan sila ng maayos na buhay.
Naantig ka rin ba sa kwento ng magkapatid na ito na hindi kinahihiya ang kanilang tatay? I-share sa comments section ang inyong opinyon. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Tatay na Driver, Nahiyang Sumama sa Selfie ng mga Anak Dahil sa Suot na Uniporme
Reviewed by Publisher
on
December 28, 2019
Rating:

Post a Comment