Tuturuan daw ng tamang asal? Xander Ford, Umalma sa Isang Vlog Video ni Ivana Alawi


Isa si Ivana Alawi sa mga pinakasikat na model ngayon sa showbiz industry. Dahil sa kanyang ganda at appeal, talaga namang maraming tao ang nahuhumaling sa kanya! Hindi na rin nakakapagtaka kung bakit, dahil sa social media pa lang ay napakarami na niyang followers, lalo na sa Youtube kung saan mayroon siyang mahigit 3 million followers!

Dahil sa kanyang large following, kabilang rin si Ivana sa mga pinaka-influential na Youtube vloggers. Halos linggo-linggo ay naga-update si Ivana sa kanyang mga followers tungkol sa kanyang buhay. Kamakailan lang ay nakisali rin siya sa "Totropahin o Jojowain" challenge.



Sa challenge na ito, pipili si Ivana sa listahan ng mga male celebrities at magdedesisyon siya kung gagawin niyang jowa, o gagawin niyang tropa. Isa sa mga kasali sa kanyang challenge ay si Marlou Arizala, ang dating member ng Hasht5 na sa ngayon ay mas kilala bilang Xander Ford.

Mas lalong sumikat sa social media si Xander Ford nang sumailalim siya sa plastic surgery para baguhin ang itsura niya. Ngunit gayunpaman, kahit nagbago na ang kanyang panlabas na kaanyuan, mukhang hindi pa rin ito sapat para makuha niya ang interes ni Ivana Alawi.


Para kay Ivana, hindi niya piniling maging boyfriend o kahit kaibigan man lang ang dating Hasht5 member. Mukhang hindi naman natuwa si Marlou dito, dahil hindi nagtagal ay nag-release din siya ng kanyang sariling video, kung saan ipinahayag niya ang kanyang di pag-sang ayon sa opinyon ni Ivana Alawi tungkol sa kanya.

Ayon kay Xander Ford, dapat ay maturuan ng magandang asal si Ivana. Dinagdag niya pa na baka kaya ito ginagawa ni Ivana ay dahil gusto lang sumikat. Sa kabilang banda, umabot na sa mahigit 5 million ang views ng video ni Ivana. Sa ngayon naman ay hindi pa siya nagbibigay ng pahayag tungkol sa sinabi Xander Ford sa kanya.



Sa iyong tingin ay dapat bang mag-public apology si Ivana Alawi kay Xander Ford? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, huwag kalimutang i-follow ang Daily Insights sa Facebook.
Tuturuan daw ng tamang asal? Xander Ford, Umalma sa Isang Vlog Video ni Ivana Alawi Tuturuan daw ng tamang asal? Xander Ford, Umalma sa Isang Vlog Video ni Ivana Alawi Reviewed by Publisher on December 13, 2019 Rating: 5