Mga Bisita sa Kasal, Nagulat Nang Bigla itong Gawin ni Sarah Geronimo!


Matapos ma-engage kay Matteo Guidicelli, siguradong excited na ang pop singer na si Sarah Geronimo sa kanilang nalalapit na kasal. Ngunit kahit na malayo pa naman ito, mukhang excited na si Sarah para sa kanyang dream wedding! Sa katunayan, hindi siya nag-atubili na tumulong sa kasal ng kapatid ng kanyang fiance.

Kamakailan lang ay dumalo ang sikat na celebrity couple sa kasal ng kapatid ni Matteo Guidicelli. Dahil sa tagal ng relasyon nila Sarah at Matteo, naging ka-close na rin ni Sarah ang pamilya nito, kaya naman hindi na nakapagtataka kung bakit siya kinuhang bridesmaid sa kasal ni Giorgia Guidicelli.



Ginanap ang kasal noong December 8 sa Lahug, Cebu City. Kahit na busy ang kanyang schedule, sinigurado ng Pop Princess na makakarating siya sa kasalang ito. Talagang blooming na blooming ang Kapamilya singer sa bright yellow na bridesmaid gown niya. Sa tabi niya naman ay poging-pogi rin si Matteo sa isang formal suit.

Dahil sa kasikatan ni Sarah, hindi na nakakapagtaka kung bakit halos lahat ng mga bisita ay nakatutok sa mga kilos ng Pop Princess. Sa katunayan, sa Instagram ay may nag-post ng ginawa ni Sarah sa bride. Mukhang enjoy na enjoy ang aktres sa pagfu-fulfill ng kanyang bridesmaid duties!


Kahit na sikat na siya, talagang down-to-earth pa rin si Sarah. Naging usap-usapan ang ginawa niya sa kasal, dahil hindi siya nag-atubiling yumuko at ayusin ang gown ni Giorgia. Ayon sa mga fans, patunay lamang ito ng pagiging humble ni Sarah, kahit na labis na ang kasikatan niya.

Sa kabilang banda, nag-viral naman ang video na ito sa social media. Maraming fans ang hindi mapigilang ma-excite sa nalalapit na kasal ni Sarah at Matteo. Siguradong magiging bongga at romantic din dito, dahil matagal na itong pinagpa-planuhan ng celebrity couple.



Excited ka na rin ba sa nalalapit na kasalan ni Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, huwag kalimutang i-follow ang Daily Insights sa Facebook.
Mga Bisita sa Kasal, Nagulat Nang Bigla itong Gawin ni Sarah Geronimo! Mga Bisita sa Kasal, Nagulat Nang Bigla itong Gawin ni Sarah Geronimo! Reviewed by Publisher on December 13, 2019 Rating: 5