Asong Kalye, Naghihintay Lamang ng Ibibigay na Pagkain sa Carinderia
May alaga ka rin bang aso? Kung oo, siguro ay alam mo na kung gaano ka-loyal ang mga alaga nating ito. Kung mamahalin at aalagaan mo sila, susuklian ka rin nila ng pagmamahal at katapatan. Kaya naman nakakalungkot makakita ng mga aso na walang tirahan at pagala-gala lamang sa lansangan, tulad na lang ng asong ito na nag-viral sa social media.
Sa Facebook, nag-share ang netizen na si Renz Sy ng larawan ng isang aso na nakaabang sa carinderia. Talagang nakakaawa ang kalagayan ng aso, na naghihintay lamang abutan ng pagkain ng mga kumakain sa carinderia.
"I just feel happy for doggie even though I don't expect to turn it this way, still nakahanap siya ng bagong pamilyang kukupkop at mamahalin siya," ito ang pahayag ni Sy sa kanyang Facebook post na viral na ngayon.
May mga netizens naman ang nagbigay pa ng ibang detalye tungkol sa pangyayaring ito. Upang makapag-abot ng tulong ang ibang tao, inilahad ni Neil Alberth Molina ang eksaktong lugar kung saan matatagpuan ang aso. Ayon kay Molina, ang asong ito ay matatagpuan sa Don Campos St., Damasrinas City.
Mukhang nagbunga naman ang mga efforts ng netizens. Ayon sa mga staff ng carinderia, may isang taong nagmagandang-loob na mag-ampon sa asong ito. Dahil sa kabaitan ng di-kilalang Good Samaritan na ito, sa wakas ay mayroon nang bagong tirahan at mapagmahal na pamilya ang asong ito.
Nawa'y maging eye-opener rin ito sa ibang tao. Isa itong paalala na maraming hayop pa rin ang walang mag-aalaga at pakalat-kalat lamang. Kaya imbes na bumili ng aso, mas mabuti pang mag-adopt na lamang para mabawasan ang bilang ng mga aso na walang tahanan.
Ano kaya ang masasabi ng mga netizens tungkol sa kalagayan ng asong ito? Silipin ang kanilang comments dito:
Naantig ka rin ba sa larawang ito ng aso na naghihintay lamang ng pagkain? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Asong Kalye, Naghihintay Lamang ng Ibibigay na Pagkain sa Carinderia
Reviewed by Publisher
on
December 13, 2019
Rating:

Post a Comment