Tomas Joaquin Mendez, Humarap na at Hiniling Wag Tanggalin ang Lisensya Niya
Naaalala niyo pa ba si Tomas Joaquin Mendez? Noong nakaraang linggo ay naging usap-usapan sa social media ang doktor na ito matapos siyang masangkot sa isang road rage. Huling-huli sa kamera ang ginawang pangungutya at pagwawala ni Mendez sa harap ng motorista at ng pamilya nito. Kahit may mga bata ay patuloy lang ang pag-aamok ng doktor.
Dahil sa asal na ipinakita ng doktor, inireklamo siya ng driver na si Santiago Paredes sa tanggapan ni Raffy Tulfo. Sa ngayon ay naghain na ng show cause order ang Land Transportation Office para kay Mendez. Nabahala rin ang mga officers ng LTO matapos malaman na hindi pala ito ang unang beses na nagwala si Mendez.
Sa kabilang banda, kahit anong tawag at text ng staff ni Raffy Tulfo ay wala silang nakukuhang sagot mula sa kampo ni Mendez. Sinubukan rin nila itong puntahan sa pinagta-trabahuhan nitong Diliman Doctors Hospital, ngunit hindi na sila pinapasok sa loob. Ayon sa management, nag-vacation leave diumano ang doktor.
Isang linggo matapos ang insidente, hindi pa rin humuhupa ang issue sa social media. Mukhang pinalipas lang ni Mendez ang issue dahil sa wakas ay nagpakita na rin siya sa madla! Sa isang update, ibinahagi ng report ni Raffy Tulfo na lumutang na ang doktor upang humarap sa show cause order ng LTO.
Ayon sa report, diumano'y nag-submit na ng affidavit ang doktor sa LTO kasama ang kanyang personal lawyer. Bukod pa dito, isa umano sa mga hiling ni Mendez ay huwag ma-revoke ang kanyang lisensya. Ngunit kahit na lumutang siya, mukhang iniiwasan ni Mendez na lalong lumala ang issue at mas pinili niyang manahimik na lamang.
Sinubukan siyang kunan ng panig ng media, ngunit nanatiling tikom ang bibig ng doktor. Sa isang video, kitang-kita rin kung paano sinalag ng lawyer ni Mendez ang camera ng media. Upang hindi makunan ng video si Mendez, tinakpan ng kanyang personal lawyer ang kamera ng mga taga-News5.
Excited na rin ba kayong mapanood ang susunod na update ng kasong ito? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, huwag kalimutang i-follow ang Daily Insights sa Facebook.
Tomas Joaquin Mendez, Humarap na at Hiniling Wag Tanggalin ang Lisensya Niya
Reviewed by Publisher
on
December 07, 2019
Rating:


Post a Comment