Napikon si Raffy Tulfo sa Mister na ito na Nananabunot sa Kanyang Flight Attendant na Misis
Ang ating asawa ay katuwang natin sa buhay. Sila ang tao na kadamay natin sa hirap man o sa ginhawa. Ngunit nakakalungkot isipin na hindi lahat ng mag-asawa ay sa ganito humahantong, katulad na lamang ng flight attendant na ito. Imbes na saya ay puro pasakit ang inabot niya sa kamay mismo ng kanyang asawa.
Maga pa ang mga mata ni Princess Analyn Mangalino nang dumulog sa programa ni Raffy Tulfo kasama ang kanyang nanay. Sa "Wanted sa Radyo," inireklamo ng flight attendant ang kanyang asawa na si Eduardo Mangalino Jr. Kita pa sa mga katawan ni Princess ang mga pasa at galos na natamo niya sa kanyang asawa.
Ayon kay Princess, nagkakilala lang sila ni Eduardo sa kanilang workplace, kung saan flight instructor ito. Ilang buwan ang nakalipas at kinasal rin ang dalawa, sa kabila ng protesta ng mga magulang ni Princess. Ayon sa mga magulang niya, nais nilang kilalanin muna ang lalaki.
Ngunit matapos ikasal, saka na nagsimula ang kalbaryo ni Princess. Ayon sa kanya, kahit mga simpleng away ay nagiging bayolente at mapanakit ang kanyang asawa. Kakapanganak niya pa lang ngunit puro sama na ng loob ang natatanggap niya mula sa kanyang asawa, na humantong pa sa pisikalan.
Sa interview, ibinahagi ni Princess na breastmilk lamang ang napag-awayan nila. Napuno na diumano si Eduardo kaya't hindi ito nakapagpigil at binugbog ang kanyang asawa. Pasa at galos ang inabot ni Princess matapos siyang sabunutan, sipain, at suntukin ng kanyang mismong asawa.
Sa kabila ng lahat, willing pa rin naman daw si Princess na makipag-ayos sa kanyang asawa, sa isang kondisyon. Isang bagay lang ang hinihingi niya, ang lumapit at magpakumbaba si Eduardo sa kanyang pamilya, ngunit nanatiling matigas ang loob nito at hindi tumutupad sa nais ni Princess.
Dumating pa sa punto na kahit si Idol Raffy ay hindi na rin nakapagtimpi kay mister! Panoorin ang kanilang sagutan sa video na ito:
Sa tingin niyo'y may pag-asa pa kayang maayos ang pagsasama ni Princess at ng kanyang asawa? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Napikon si Raffy Tulfo sa Mister na ito na Nananabunot sa Kanyang Flight Attendant na Misis
Reviewed by Publisher
on
December 07, 2019
Rating:

Post a Comment