Anne Curtis, Naging Emosyonal sa Birthday Wish ni Teddy sa Showtime
Isang dekada na sa pag-ere ang variety show na "It's Showtime." Nagsimula ito noong 2009 at hanggang ngayon ay naghahatid pa rin ng saya sa mga madlang pipol. Sa tinagal-tagal ng show, mas lalo ring lumalalim ang pagsasama ng mga hosts. Kamakailan lang ay nag-celebrate ng kanyang 41st birthday ang host na si Teddy Corpuz kasama ang kanyang Showtime family.
Sa nakaraang episode ng Showtime, binabati ng mga hosts si Teddy sa opening minutes ng programa. Nang tanungin kung ano ang kanyang birthday wish, simpleng bagay lamang ang hiniling ng host, pero talaga namang naantig ang mga co-hosts at madlang pipol sa hiling ni Teddy!
"Yung wish ko, hindi para sa akin, e. Ang wish ko talaga maging healthy at maging complete 'yung baby ni Anne… Walang labis, walang kulang," ito ang pahayag ng birthday boy na labis namang ikinagalak ni Anne Curtis. Naiyak ang Kapamilya aktres, na kasalukuyang anim na buwang buntis sa kanyang first baby.
Hindi mapigilang maging emosyonal ni Anne matapos marinig ang nakakaantig na birthday wish ni Teddy. Nagpasalamat din siya sa pag-alala ng kanyang co-host sa kanyang unborn baby: "Naiyak ako! Happy birthday, Teddy. Thank you for sharing your birthday wish with my baby. God bless you even more."
Sa kabilang banda, noong Nobyembre lang ibinahagi ni Anne Curtis na nagdadalangtao siya. Inannounce nila ito sa Instagram sa pamamagitan ng isang nakakaantig na video. Agad namang nagpahatid ng pagbati at prayers ang mga kaibigan ni Anne sa showbiz industry, pati ang kanyang mga fans.
Maging ang nanay ni Anne na si Mommy Carmen ay excited na rin para sa kanyang apo. Kamakailan lang ay nagdiwang ito ng kanyang kaarawan, at taos-puso ang pasasalamat ni Mommy Carmen kay Anne at Erwan sa pagbibigay sa kanya ng kanyang unang apo.
Excited na rin ba kayong makita ang baby ni Anne at Erwan? I-share ang inyong opinyon sa comments section below. Para sa latest updates sa iyong favorite celebrities, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Anne Curtis, Naging Emosyonal sa Birthday Wish ni Teddy sa Showtime
Reviewed by Publisher
on
December 06, 2019
Rating:

Post a Comment