Tito Boy, Labis na Emosyonal sa Burol ng Kanyang Nanay


"Abundance, make your mama proud." Ito ang naging sikat na tag line ng Kapamilya TV host na si Boy Abunda. Hindi lingid sa kaalaman ng marami na malaki ang respeto at pagmamahal ni Tito Boy sa kanyang nanay, kaya naman nang pumanaw ito kamakailan lang ay labis ang hinagpis ng host. Sa edad na 90-anyos ay tuluyan nang namaalam si Nanay Lesing.

Si Nanay Lesing, o Licerna Romerica Abunda, ay kilala sa pagiging supportive at mapagmahal na ina kay Tito Boy. Kaya naman labis ang pagdadalamhati ng "The Bottomline" host sa natanggap niyang balita. Ayon sa tiyahin ni Tito Boy na si Eastern Samar representative Maria Fe Abunda, pumanaw si Nanay Lesing noong Lunes, December 2.


Sa isang video ng burol, kitang-kita kung gaano ka-apektado ang host sa pagpanaw ng minamahal niyang ina. Ngunit sa kabila ng lahat, kinakaya niya pa rin upang ma-accommodate ang mga bisita na dumadating. Pero dumating rin sa punto na hindi kinaya ni Tito Boy ang sakit ng pagkawala ng nanay niya.

Sa interview ng "Bottomline," aminado si Tito Boy na talagang mahirap ang pinagdadaanan niya ngayon. Ngunit kahit na wala na ang kanyang pinakamamahal na nanay, aminado si Tito Boy na pipilitin niyang mag-move on.




"I will be honest, I don't know I'm going to live my life without the presence of my mother. Pero katulad ng maraming sugal sa buhay ko, susuungin ko (But like any other life's risk I will do everything), because that's the only way," ito ang opisyal na pahayag ng host sa "The Bottomline," ilang araw matapos pumanaw ang kanyang nanay.

Sa pagpanaw ni Nanay Lesing, marami rin itong iniwan na legacy. Sa kanyang edad na 90, marami rin siyang taong natulungan. Bukod sa pagiging isang guro, tinanghal rin bilang councilor si Nanay Lesing mula 1995 hanggang 2004. Naging vice mayor din siya ng Borongan, Samar mula 2004 hanggang 2007.


Sa kabilang banda, maraming netizens at celebrities rin ang nagpahatid ng kanilang pakikiramay kay Tito Boy at sa pamilya niya.

Naantig rin ba ang puso niyo sa pagpanaw ng nanay ni Tito Boy? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Tito Boy, Labis na Emosyonal sa Burol ng Kanyang Nanay Tito Boy, Labis na Emosyonal sa Burol ng Kanyang Nanay Reviewed by Publisher on December 04, 2019 Rating: 5