Nakakaluha ang Pamumuhay ng Mag-Asawang ito na Kinalimutan na ng mga Anak Nila


Wala na sigurong mas titindi pa sa pagmamahal ng isang magulang. Halos buong buhay nila ay ginugol nila upang mabigyan ng magandang buhay ang kanilang anak. Kahit na mahirap ang buhay, pilit kumakayod ang ating nanay at tatay para lamang hindi magutom ang kanilang pamilya. Ngunit nakakalungkot na hindi lahat ng anak ay nakikita ang sakripisyo nila.

Sa kabila ng kanilang mga sakripisyo, nakakalungkot isipin na may mga anak na kayang kalimutan ang kanilang magulang. Imbes na samahan pagtanda ay tila ba kinalimutan na lang ng mga anak ang magulang na nagpalaki sa kanila. Ito ang mapait na sinapit ng matandang mag-asawang ito mula sa Linabuan Norte, Kalibo, Aklan.



Sa social media, ibinahagi ng radio anchor na si Archie Hilario ang nakaawang pamumuhay ng mag-asawa. Sa kanilang edad, dapat ay nagpapahinga na lamang sila, ngunit napipilitan pa ring kumayod si lolo at si lola. Nasaksihan ng radio anchor na sa tent na lamang nakatira ang mag-asawa.

Ayon kay Lola, lahat ng mga anak nila ay may pamilya na. Dahil dito, wala na rin silang masandalan ng kanyang asawa. Maluha-luha ang matanda habang inaaalala ang mga anak nila na nagpakalayo-layo sa ibang lugar at hindi man lang sila matawagan:

"Yung dalawang anak ko sa Maynila di na kami naalala, kahit sulat lang sana masaya na kami," ito ang naluluhang pahayag ni lola habang inaalala ang kanyang anak na matagal na nilang hindi nakikita.



Mayroon silang anak na tumutulong paminsan-minsan, ngunit dahil sa kahirapan ay hindi rin nito mabigyan ng maayos na suporta ang magulang niya. Ayon kay lola, namamasukan ang anak nila malapit sa kanila, ngunit may sariling pamilya na rin itong sinusuportahan.

Sa kabilang banda, umani naman ng iba't-ibang reaksyon ang nakakaantig na kwento ng mag-asawang ito. Sa social media, maraming netizens ang naantig sa kalagayan ni lolo at lola, kung kaya naman marami rin ang nanawagan upang maabutan sila ng nararapat na tulong.


Naantig rin ba kayo sa kaawa-awang sitwasyon ni lolo at lola? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, huwag kalimutang i-follow ang Daily Insights sa Facebook.
Nakakaluha ang Pamumuhay ng Mag-Asawang ito na Kinalimutan na ng mga Anak Nila Nakakaluha ang Pamumuhay ng Mag-Asawang ito na Kinalimutan na ng mga Anak Nila Reviewed by Publisher on December 04, 2019 Rating: 5