Neil Arce, Proud Fiance Matapos Kilalanin ng Forbes si Angel Locsin!
Isa si Angel Locsin sa mga pinakasikat na artista sa Kapamilya network. Bukod sa kanyang angking ganda, marami rin ang humahanga sa galing sa pag-arte ng 34-anyos na aktres. Talagang hindi maitatanggi ang naging kontribusyon ni Angel Locsin hindi lamang sa larangan ng showbiz at sining, kundi sa marami pang bagay.
Bukod sa kanyang angking ganda at talento, alam niyo ba na may ginintuang puso rin si Angel? Lingid sa kaalaman ng karamihan, ang aktres ay palaging bukas palad sa mga nangangailangan. Sa katunayan, laging nangunguna si Angel sa pag-donate sa mga kapos-palad at sa iba't-ibang samahan at charity.
Dahil dito, kamakailan lang ay na-recognize si Angel ng Forbes Asia. Marami ang natuwa matapos tanghalin si Angel Locsin bilang isa sa mga Forbes Asia's 'Heroes of Philanthropy' ngayong 2019. Dalawang Pilipino lamang ang nakapasok sa listahan, at ang isa ay si Hans Sy, ang business tycoon na pang-apat na anak ng yumaong si Henry Sy Sr.
Patunay lamang ito na kinikilala sa buong mundo ang mga na-contribute ni Angel Locsin. Ayon sa article na inilabas noong December 2, kinilala si Angel sa kanyang P1 milyon donasyon para sa mga nasalanta ng nagdaang lindol sa Mindanao. Kinilala rin ang mga nagawa ng aktres sa loob ng halos isang dekada.
"Over the past decade, Locsin has donated as much as P15 million to causes such as educational scholarships for students, supporting the economic and political rights of indigenous people, and ending violence against women and children," ito ang pahayag ng Forbes.
Proud na proud naman ang fiance ni Angel na si Neil Arce. Sa Instagram, cinongratulate nito ang girlfriend sa pamamagitan ng pagpost ng screenshot ng article mula sa Forbes. Ayon pa kay Neil, siya na daw ang gumawa nito dahil nahihiya ang aktres na mag-post.
Namangha rin ba kayo sa parangal na natanggap ni Angel Locsin? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Neil Arce, Proud Fiance Matapos Kilalanin ng Forbes si Angel Locsin!
Reviewed by Publisher
on
December 05, 2019
Rating:



Post a Comment