Tatay na Nagnakaw ng Gulay Para sa Pamilya Niya, Inulan ng Biyaya


Mahirap ang buhay sa isang bayan sa liblib na probinsya. Nabubuhay ang mga tao sa lugar na ito sa pamamagitan ng pagtatanim at pagaalaga sa mga hayop. Masipag man at matiyaga may mga araw talaga na hindi sasapat ang kita upang mabuhay ang isang pamilya. Ganito ang sitwasyon ng isang pamilya sa isang malayong baryo.

Hikahos sa buhay ang pamilya Cruz. Isang kahig at isang tuka kung maituring sila ng ibang tao. Nabubuhay lang ang pamilya sa pamamagitan nang pagkuha ng sari-saring gulay sa mga kalapit na sakahan ng mga kapitbahay. Dahil dito, ang padre de pamilyang si Mario ay napilitang kumait sa patalim upang mayroon lamang ipang-laman tiyan ang kanyang pamilya.



Isang madaling araw habang maliwanag pa ang buwan at lahat ay mahimbing na natutulog, sinamantala ni Mang Mario ang magpunta sa bukirin ni Fred. Samut-saring tanim ang nasa lupain ng magsasakang si Fred at binabantayan ito buong magdamag upang walang manakaw.

Tahimik na kumilos si Mario upang makakuha ng gulay sa sakahan. Sinama ng ama ang kanyang anak sa pagkuha ng mga tanim sa pag-aakalang matutulungan siya nito sa pagbibitbit. Agad-agad a kumilos si Mario at pinagbubunot ang mga pechay. Lingid sa kanyang kaalaman ay nakikita at naririnig ni Mang Fred ang ginagawa ng magama sa kanyang pananim.

"Papa may nanunood sa atin oh. Nakikita tayo ng buwan na nagnanakaw. Di ba papa masama ang magnakaw?" Sambit ng batang paslit na walang kamalay-malay sa sitwasyon ng kanyang pamilya.



Natigilan si Mario sa sinabi ng anak at napag isip-isip na tama nga ang bata. Unti-unting napaluha ang padre de pamilya at agad na inihinto ang ginagawa. Iniwan nila ang mga tanim na sana ay uulamin pa nila sa mga susunod na araw. Napagtanto ni Mario na mabuti nang magutom kaysa ipakain sa pamilya ang galing sa nakaw.

Narinig ni Mang Fred ang sinabi ng bata at agad itong napaisip. Kung tutulungan niya ang pamilya ay hindi na nito kakailangan pang magnakaw para lang mabuhay.

Kinabukasan ay nagpunta si Mang Fred sa bahay ng pamilya ni Mario. Naghatid ito ng magandang balita na handa siyang kuning magsasaka si Mario at may kasamang libreng gulay ang bayad. Ikinatuwa ng pamilya ni Mario ang balitamg hatid ng ulirang magsasaka.


Hindi makapaniwala si Mario sa biyayang natanggap kahit na siya ay ilang ulit na nagkamali. Pinagpasadiyos niya na lang ang pasasalamat dahil hindi sila pinabayaan nito.

Ano gagawin ko kung ikaw ang nasa sitwasyon ni Mario? I-share ang inyong opinyon sa comments section below. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Tatay na Nagnakaw ng Gulay Para sa Pamilya Niya, Inulan ng Biyaya Tatay na Nagnakaw ng Gulay Para sa Pamilya Niya, Inulan ng Biyaya Reviewed by Publisher on December 01, 2019 Rating: 5