Agriculture Student, Nakapagpatubo ng Kauna-Unahang Apple Tree sa Mindanao



Tuwing sumasapit ang media noche, hindi nawawala ang mansanas sa hapag-kainan. Dahil sa lutong at tamis nito, isa ito sa pinaka-kilalang prutas sa buong mundo. Ngunit dahil sensitibo ang puno na ito, tumutubo lamang ang mansanas sa mga malalamig na lugar katulad ng United States, Japan, at China. Dahil sa klima ng Pilipinas, kadalasan ay nag-iimport lang tayo ng mga mansanas.

Ngunit mukhang malapit nang magbago ito! Isang Agriculture student mula sa Digos, Davao City ang matagumpay na nakapagpatubo ng kauna-unahang apple tree sa buong Mindanao. Hindi man naging madali, sulit naman ang pagsisikap ni Benzone Sepe upang mapatubo ang kanyang alagang tanim.


Si Sepe ay isang third-year Agriculture student mula sa Davao del Sur State College. Sa kanyang panayam sa ABS-CBN, ibinahagi ni Sepe ang nag-udyok na kanya na magtanim ng puno ng mansanas. Noong 2014, sinubukan niyang itanim ang mga buto ng kinain niyang mansanas sa kanilang bakuran.


Umusbong ang mga halaman, ngunit hindi nagtagal at namatay ang dalawa sa mga ito. May isang tuloy ang pagtubo, ngunit hindi naman ito nagbubunga. Ngunit imbes na sumuko, ginamit ito ni Sepe bilang inspirasyon para makahanap ng ibang paraan upang magbunga ito.



"I pruned the plant but it did not end there. I found out a proper way in the internet and that the branch should be bent for sunlight exposure. I cannot see any difference between that and a commercial apple because the juiciness and crunchiness is still there."


Makalipas ang ilang taon, noong 2018, unti-unti nang nagbunga ang mga paghihirap ni Sepe. Napansin niya na tinubuan ito ng bulaklak, at hindi pa nagtagal, nagkaroon na rin ng bunga sa wakas! Ayon sa Department of Agriculture, ang puno ni Sepe ay ang kauna-unahang puno ng mansanas na naitala sa Mindanao.



Namangha rin ba kayo sa ipinamalas na galing ng Agriculture student na ito? I-share ang inyong opinyon sa comments section below. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Agriculture Student, Nakapagpatubo ng Kauna-Unahang Apple Tree sa Mindanao Agriculture Student, Nakapagpatubo ng Kauna-Unahang Apple Tree sa Mindanao Reviewed by Publisher on December 02, 2019 Rating: 5