Magkapatid na Batang Kalye, Nag-Iwan ng Mahalagang Aral sa mga Netizens



Ano ang unang pumapasok sa isip mo kapag nakakakita ka ng taong palaboy? Kadalasan, umiiwas ang mga tao sa mga palaboy sa lansangan dahil sa kanilang maruming pananamit. May ibang tao naman na hindi mapigilang mainis, dahil ayon sa kanila, tamad at walang sikap sa buhay ang mga taong palaboy. Ngunit malayo ito sa katotohanan.

Kadalasan, may mga palaboy na biktima lamang ng kahirapan. At imbes na gumawa ng masama, mas pinili na lamang nila na manghingi ng tulong sa ibang tao. Ang masaklap pa dito, karamihan sa mga nagpapalaboy sa lansangan ay mga batang iniwan o nawalan ng magulang.


Kamakailan lang, naging usap-usapan sa Facebook ang picture ng dalawang magkapatid sa Maasin City, Leyte. Ang picture na ito ay kuha ng netizen na si Keizl Necosia, na hindi napigilang na-touch sa kalagayan ng magkapatid. Kahit na batang lansangan sila, mayroon tayong mapupulot na magandang aral mula sa kanila.



Kahit na kapos palad, nagpamalas pa rin ng pagtutulungan ang magkapatid. Sabay nilang pinagsaluhan ang spaghetti at inumin habang nakaupo sa isang bench. May dala-dala silang tambol, na kanilang ginagamit upang mamalimos sa mga dumadaang tao.

Dali-dali namang kumalat sa social media ang larawan na ito. Sa ngayon, umabot na ng mahigit sa 72,000 ang nag-share ng litratong ito. Maraming netizens ang naantig sa sitwasyon ng magkapatid, kung kaya't nakaisa sila na maghatid ng tulong.

Sa ngayon, nagtutulungan na ang mga netizens na ma-identify at ma-track ang mga bata sa picture upang mabigyan sila ng tulong. Iba talaga ang nagagawa ng social media! Sana ay maging daan ang pagiging viral nila upang mabigyan sila ng mas magandang buhay.

Narito ang iba't-ibang comments ng mga netizens:





Naantig rin ba kayo sa larawang ito ng magkapatid? I-share ang inyong opinyon sa comments section below. Para sa iba pang updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Magkapatid na Batang Kalye, Nag-Iwan ng Mahalagang Aral sa mga Netizens Magkapatid na Batang Kalye, Nag-Iwan ng Mahalagang Aral sa mga Netizens Reviewed by Publisher on December 01, 2019 Rating: 5