Patrick Garcia, Ibinahagi Kung Paano Siya Maging Tatay sa Kanyang mga Anak


Isa si Patrick Garcia sa mga pinakahinahangaang matinee idol dati. Nagsimula ang career niya bilang artista noong 90s, kung saan naging sikat na young actor siya. Ngayon, malayo na ang narating ni Patrick hindi lamang sa career kundi pati na rin sa pagpapamilya. Kung dati'y busy siya sa pag-aartista, ngayon naman ay proud daddy na si Patrick ng kanyang tatlong anak.

Ikinasal si Patrick Garcia kay Nikka Martinez noong 2015. Biniyayaan ang celebrity couple ng tatlong anak na sila Michelle Celeste, Nicola Patrice, at Francisca Pia. Sa Instagram, madalas nagbabahagi rin si Patrick ng photo ng kanilang happy family kasama ang kanyang mga tatlong anak at asawa.



Hindi madaling maging tatay, lalo pa't kailangan mo rin magtrabaho. Ngunit para kay Patrick, nabilis siyang nag-adjust sa pagiging tatay dahil sanay na siya sa pagod at puyat. Bilang artista, kadalasan ay napupuyat siya sa taping, kaya naman hindi na siya masyadong nahihirapan sa pag-aalaga sa kanyang mga unica hija:

"Of course pag pagod ka there are some challenges na pagod na pagod ka na tapos yung baby mo ayaw pa matulog. Yun lang yung mga challenges pero siyempre sanay naman tayo sa puyat kasi pag artist aka lagi kang napupuyat."

Ito ang pahayag ni Patrick nang tanungin siya kung nahihirapan ba siyang mag-alaga ng kanyang Tres Marias.


Sa kabila ng lahat, aminado si Patrick na sa una'y nangamba rin siya sa pagiging tatay. Ngunit nang maipanganak na ang panganay nila ni Nikka na si Michelle Celeste, saka na naranasan ni Patrick ang tunay na challenges ng fatherhood. Kung noong una'y nahirapan siya, di nagtagal ay nasanay na rin daw siya.

"When you’re not a father they say that it’s hard daw, magpalit ngdiaper, mga ganun. Pero when it’s there kayang kaya mo lang."

Dagdag pa ni Patrick, kahit busy siya sa kanyang trabaho ay nagtutulungan pa rin sila ng asawa niyang si Nikka pagdating sa mga gawaing bahay at pag-aalaga ng kanilang mga anak.



Sang-ayon rin ba kayo sa sentiments na ito ni Patrick Garcia tungkol sa pagiging tatay? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Patrick Garcia, Ibinahagi Kung Paano Siya Maging Tatay sa Kanyang mga Anak Patrick Garcia, Ibinahagi Kung Paano Siya Maging Tatay sa Kanyang mga Anak Reviewed by Publisher on December 29, 2019 Rating: 5