Sana All! Darren Espanto, Humakot ng Awards sa Kanyang Senior High Graduation


Para sa isang estudyante, wala na sigurong mas sasaya pa sa kanilang graduation day. Patunay ito sa kanilang mga paghihirap, kaya naman isang malaking achievement ito para sa mga mag-aaral. Kaya naman walang mapaglagyan ang tuwa ni Darren Espanto nang sa wakas ay nakamit na niya ang kanyang inaasam na diploma.

Nitong November 25 ay ibinahagi ng Kapamilya singer na sa wakas ay ga-graduate na siya mula sa senior high. Sa Instagram, ibinahagi ni Darren ang kanyang graduation picture kasama ang isang nakakaantig at nakaka-inspire na mensahe.


"I thought it was impossible to achieve this. Thankful that I did not doubt myself. Today, I am officially a graduate of senior high and very excited to go through the next level. It is true that hard work pays off," ito ang pahayag ng singer sa Instagram.

Si Darren ay magkakamit rin ng parangal sa kanilang graduation day bilang first honor ng klase nila sa Sanston Academy Homeschool of Asia Pacific. Itinanghal rin siyang recipient ng Excellence Excellence in music Award.

Ngunit hindi naging basta-basta ang pinagdaanan ni Darren para makamit ito. Sa kanyang interview with Boy Abunda, inamin ng Kapamilya singer na mahirap pagsabayin ang kanyang career at pag-aaral. Gayunpaman, kinaya niya ito para na rin sa kanyang mga magulang.



"Thank you to all the people who helped me and made me believe that I CAN DO IT. You guys know who you are..truly grateful to each of you. Thank you to my family and most especially to God for the wisdom and guidance."

Sa kabilang banda, maraming netizens naman ang naghatid ng kanilang pagbati para kay Darren. Talagang nakakamangha ang motivation ng young singer para makapagtapos ng pag-aaral. Sana'y magsilbing role model din si Darren para sa kanyang mga batang taga-hanga.



Nainspire ka rin ba sa bagong achievement na ito ni Darren Espanto? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Sana All! Darren Espanto, Humakot ng Awards sa Kanyang Senior High Graduation Sana All! Darren Espanto, Humakot ng Awards sa Kanyang Senior High Graduation Reviewed by Publisher on December 17, 2019 Rating: 5