Mayamang Chinese, Bumili ng Lamborghini Para Mag-Propose Pero Basted pa rin!
Para sa isang lalaki at babae, espesyal ang panliligaw. Dito ay mas kikilalanin nila ang isa't-isa para malaman kung bagay sila. Kaya naman para ma-impress ang kanyang nililigawan kung anu-anong pakulo ang ginagawa ng mga lalaki. Ngunit minsan, kahit ano pang pakulo ang gawin ng isang lalaki ay hindi ito sapat para mapasagot ang kanyang nililigawan.
Ito ang bagay na natutunan ng lalaking ito sa mapait na paraan. Para mapa-oo ang kanyang babaeng nililigawan, naghanda ang lalaking ito mula sa China ng isang magarbong proposal. Ngunit hindi niya inaasahan ang magiging kinalabasan ng kanyang grand surprise.
Sa social media, ibinahagi ng Facebook page na South China Morning Post ang video ng proposal ng lalaking ito. Talaga namang todo effort siya, dahil sa public place pa niya ito ginawa! Kasama ang kanyang mga kaibigan, nagtulungan sila upang makamit ang matamis na oo ng kanyang nililigawan.
Para ma-impress ang kayang nililigawan, bumili siya ng luxury car na Lamborghini. Ngunit matapos siyang mag-propose, hindi inakala ng lalaki na magagawa pa siyang tanggihan ng babae.
"I have money. I'm rich. I can buy you many cars like this. I can give you anything you want. Marry me, marry me. Don't leave," ito ang sinasabi ng lalaki habang pinipilit niya ang kanyang nililigawan na tanggapin ang proposal niya.
Ngunit kahit gaano pa kagarbo ang kanyang proposal, sa huli ay hindi rin niya nakuha ang matamis na oo ng babae. Patunay lang ito na hindi sapat ang mga materyal na bagay para makakuha ng pag-ibig. Sa kabilang banda, mahilig 161k shares na ang video na ito sa Facebook.
Panoorin ang buong video dito:
Nasubukan mo na rin bang mabasted, o mambasted ng nanliligaw sayo? I-share ang inyong opinyon at karanasan sa comments section. Para sa iba pang updates, huwag kalimutang i-follow ang Daily Insights sa Facebook.
Mayamang Chinese, Bumili ng Lamborghini Para Mag-Propose Pero Basted pa rin!
Reviewed by Publisher
on
December 17, 2019
Rating:

Post a Comment