Nagkaayos na? Nikka Garcia, Nagsalita Tungkol sa Issue Nila ng Hipag na si Cheska Garcia


Ngayong magpapasko na, maayos na ba ang relasyon ng mag sister-in-law na si Cheska Kramer at Nikka Garcia? Kamakailan lang ay muling nabuhay ang issue ng kanilang di-pagkakaintindihan matapos mag-comment ang isang netizen sa Instagram. Buong tapang naman itong sinagot ni Nikka, asawa ni Patrick Garcia na kapatid ni Cheska.

"Are you in good terms po ba with Cheska Kramer? I never see you and Patrick kasi sa family events nila," ito ang tanong ng isang netizen sa Instagram ni Nikka nitong December 4.



Upang hindi na lumaki pa ang issue, agad namang nagsalita si Nikka tungkol dito. Ayon sa kanyang reply, wala silang problema ng kanyang sister-in-law. "No prob naman," ito ang maikli ngunit malaman na sagot ni Nikka.

Matatandaang Mayo ng 2019 nang umugong ang balita tungkol sa diumano'y di-pagkakaintindihan ng dalawa. Sa Instagram, napansin ng mga netizens na tila hindi na pina-follow ni Cheska at Nikka ang isa't isa. Hindi na rin uma-attend si Nikka at Patrick sa mga family events ng mag-asawang Kramer, kaya naman mas tumindi pa ang mga usap-usapan.



Kinumpirma naman ito ni Nikka matapos siyang tanungin ng isang netizen sa Instagram. Base sa pahayag ng misis ni Patrick Garcia, mukhang mayroon silang malalim na pinag-awayan na nagtulak sa kanya upang putulin ang kanyang koneksyon kay Cheska:

"Hi! Yes we no longer have anything to do with each other. Different beliefs i guess. Thru time, the realness is revealed and sadly it was fake all along. Wish it weren’t this way but oh well, moving on. Night!"

Sa kabila ng pahayag ni Nikka, hindi naman nagsalita si Cheska Kramer tungkol sa issue na ito. At ngayong nabalita na nagkaayos na sila, maraming netizens naman ang nag-react.


Ayon sa ibang fans, sakto ang pagbabati ng dalawa lalo pa't magpapasko. Marami rin naman ang nagsabi na normal lang sa pamilya ang di-pagkakaintindihan, basta't sa huli ay mangingibabaw pa rin ang respeto at pagmamahal sa isa't isa.

Ano ang masasabi mo ngayong nagkabati na si Cheska at Nikka? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Nagkaayos na? Nikka Garcia, Nagsalita Tungkol sa Issue Nila ng Hipag na si Cheska Garcia Nagkaayos na? Nikka Garcia, Nagsalita Tungkol sa Issue Nila ng Hipag na si Cheska Garcia Reviewed by Publisher on December 16, 2019 Rating: 5