Saksihan ang Emosyonal na Coronation ni Miss Universe 2019 Zozibini Tunzi



Sa pagtatapos ng coronation night ng Miss Universe 2019, itinanghal na wagi si Zozibini Tunzi. Ang kandidato mula sa South Africa ay kinoronahan bilang Miss Universe 2019 sa grand coronation night noong December 9 sa Atlanta, Georgia. Viral ngayon sa social media ang emosyonal na coronation sa South African candidate.

Sa huling round ay si Miss Puerto Rico ang naging katunggali ni Zozibini. Ngunit nang banggitin na ni Steve Harvey ang kanyang pangalan, naghiyawan sa galak ang mga tao sa venue. Hindi rin mapigilan ng 26-anyos na beauty queen ang maging emosyonal. Proud na proud ang kanyang mga supporters sa kanyang pagkapanalo!




Bilang tradisyon, ipinasa ni Catriona Gray ang kanyang korona kay Zozibini. Halos di naman maipinta ang ekspresyon ni Zozibini habang isinusuot sa kanya ang Mikimoto crown. Makikita naman si Catriona Gray na bumubulong ng mga encouraging advice papalit sa kanya bilang Miss Universe.

Sinundan ni Zozibini si Catriona Gray, ang Australian-Filipino beauty queen na itinanghal na Miss Universe 2018. Si Zozibini ay ang pangatlong kandidata mula sa South Africa na nagkamit ng title ng Miss Universe. Nauna si Margaret Gardiner noong 1978, kasunod ni Demi-Leigh Nel-Peters noong 2017.


Isa sa mga layunin ni Zozibini ay baguhin ang beauty standards ngayon. Sa final pageant, marami ang naantig sa mensahe na ipinabatid niya tungkol sa kanyang panlabas na kaanyuan:

“I grew up in a world where a woman who looks like me, with my kind of skin and my kind of hair, was never considered to be beautiful. And I think that it is time that it stops today. I want children to look at me and see my face and I want to see their faces reflected in mine," ito ang pahayag ni Zozibini sa pageant finals.




Sa iyong palagay, well-deserved ba ang pagkapanalo ni Zozibini Tunzi sa Miss Universe? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Saksihan ang Emosyonal na Coronation ni Miss Universe 2019 Zozibini Tunzi Saksihan ang Emosyonal na Coronation ni Miss Universe 2019 Zozibini Tunzi Reviewed by Publisher on December 09, 2019 Rating: 5