Kilalanin ang Maswerteng Babae na Inspirasyon ni Hero Surfer Roger Casugay


Naaalala niyo pa ba ang bayaning surfer na si Roger Casugay? Kamakailan lang ay nag-viral ang Pinoy athlete na ito dahil sa pagligtas sa kanyang kalaban sa SEA Games. Ngunit bago pa ang kabayanihan niyang ito, alam niyo ba na nag-viral na rin ang hero surfer na ito dati? Ngunit sa pagkakataong ito, love life naman niya ang pinag-usapan!

Taong 2017 nang kumalat online ang mga litrato ni Casugay at ng kanyang Dutch girlfriend na si Lisa Verweij. Marami ang naantig sa kanilang kwento, kaya naman umabot pa ito hanggang sa "Kapuso Mo, Jessica Soho," kung saan ibinunyag ng sweet couple ang kanilang love story.



Ayon kay Casugay, nagkakilala sila ng kanyang love of his life sa La Union. Nagta-trabaho siya bilang isang surfing instructor nang makilala niya si Lisa, na noo'y nagbabakasyon sa La Union para matutong mag-surfing. Ayon kay Lisa, noon pa man daw ay nakuha na ni Roger ang atensyon niya.

Kalaunan ay naging surfing instructor ni Lisa si Roger, at dito na umusbong ang pagkakaibigan nila. Sa loob ng limang araw na bakasyon ni Lisa, nahulog ang loob nila sa isa't-isa. At kahit na bumalik si Lisa sa Netherlands, nagpatuloy ang relasyon ng dalawa, at hanggang ngayon ay nananatiling matatag pa rin.



Kaya naman sa pagkapanalo ni Roger sa nagdaang SEA Games, proud na proud rin si Lisa. Lumipad pa siya mula Netherlands kasama ang kanyang pamilya para lang masuportahan si Roger sa kanyang laban. Hindi naman sila nabigo, lalo pa't nag-uwi si Roger ng gold medal sa men's longboard competition nitong December 8.

Sa kabilang banda, marami namang mga netizens ang kinilig sa love story ni Roger at Lisa, na talaga namang one-of-a-kind. Sino nga bang mag-aakala na ang champion sa surfing competition ay champion rin sa kanyang love life? 


Kinilig ka rin ba sa unique love story ni Roger at Lisa? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Kilalanin ang Maswerteng Babae na Inspirasyon ni Hero Surfer Roger Casugay Kilalanin ang Maswerteng Babae na Inspirasyon ni Hero Surfer Roger Casugay Reviewed by Publisher on December 09, 2019 Rating: 5