Kwelang Tweet ni Vice Ganda Tungkol kay Miss Thailand, Benta sa mga Netizens!



Sa nagdaang Miss Universe 2019, itinanghal na wagi ang South African candidate na si Zozibini Tunzi. Ngunit bago pa man ito, marami na ring kandidate ang sumikat at tumatak sa mga audience. Isa sa kanila ay si Miss Thailand Jennifer Paweensuda Saetan-Drouin, na nag-trending pa sa social media dahil sa kanyang candid moment sa grand coronation night ng Miss Universe.

Isa si Paweensuda Drouin sa mga crowd-favorite sa Miss Universe competition. Mas lalo namang lumakas ang hiyawan ng kanyang mga supporters nang makapasok siya sa Top 20. Bakas rin sa mukha ng 26-anyos na kandidato mula sa Thailand ang galak matapos tawagin ang pangalan niya, at nag-viral ang kanyang reaksyon sa Twitter.


Maraming nag-react sa kanyang candid moment, at isa na doon ay si Vice Ganda na hindi mapigilang mag-tweet tungkol sa moment ni Miss Thailand:

"Ang saya saya ni Ms. Thailand  di pa yata nakarating sa kanya na talo sila kagabi sa men’s volleyball!!!! Chozzzz!!!" Ito ang kwelang tweet ng "It's Showtime" host naging trending sa Twitter. Umabot na ng halos 60,000 likes sa Twitter ang statement na ito ni Vice, at marami rin ang nag-react.




Maraming netizens ang nakapansin sa pagkakapareha ng mga outfit ni Miss Thailand sa Miss Universe 2019 na si Catriona Gray. Isa na dito ay ang kanyang red and silver long gown na malaki ang pagkakapareha sa sinuot na lava gown ni Catriona noong Miss Universe 2018. Dahil dito, may mga taong nagsabi na 'copycat' si Miss Thailand.

Sa kabilang banda, si Miss South Africa Zozibini Tunzi naman ang itinanghal na Miss Universe 2019. Emosyonal ang kandidata habang ipinapasa sa kanya ni Catriona Gray ang Mikimoto crown. Si Zozibini ang pangatlong kandidata mula South Africa na nag-uwi ng korona sa Miss Universe.

READ ALSO: Saksihan ang Emosyonal na Coronation ni Miss Universe 2019 Zozibini Tunzi




Ano ang masasabi mo sa candid moment na ito ni Miss Thailand? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, huwag kalimutang i-follow ang Daily Insights sa Facebook.
x
Kwelang Tweet ni Vice Ganda Tungkol kay Miss Thailand, Benta sa mga Netizens! Kwelang Tweet ni Vice Ganda Tungkol kay Miss Thailand, Benta sa mga Netizens! Reviewed by Publisher on December 09, 2019 Rating: 5