Pinoy Surfer, Isinuko ang Medalya Upang Sagipin ang Buhay ng Kalabang Atleta


Bago sumabak sa prestihiyosong Southeast Asian Games, ilang buwang nag-ensayo ang ating mga atleta. Lahat ay naghahangad na makapag-uwi ng karangalan sa kanilang bansa sa pamamagitan ng gintong medalya. Ngunit para sa Pinoy na atletang ito, mayroon pang mga bagay na mas mahalaga kaysa sa gintong medalya na mapapanalunan niya.

Si Roger Casugay ay ang representative ng Pilipinas sa larangan ng surfing. Tulad ng kanyang mga kalaban, naghahangad rin si Casugay na makasungkit ng gintong medalya para sa kanyang bansa. At muntik na niyang makuha ito, ngunit may di-inaaasahang pangyayari ang babago sa takbo ng laro.



Ginanap ang laban sa San Juan, La Union noong Biyernes, December 6. Habang nasa kalagitnaan ng kompetisyon, kitang-kita na malapit ang laban sa pagitan ni Casugay at ng atleta ng Indonesia na si Arip Nurhidayat. Ngunit bigla na lamang nabago ang takbo ng laro nang magkaroon ng di-inaasahang pangyayari.

Habang nagsu-surfing ay big la na manag tinangay ng alon ang kakumpitensya ni Casugay. Naputol ang tali ng Indonesian athlete, at hindi niya kinaya ang sobrang lakas ng alon. Tinangay siya ng malalakas na alon, ngunit mabuti na lamang at naagapan ni Casugay ang pangyayaring ito.



Kitang-kita sa mga photos na ibinahagi ng SEA Games official ang pagsagip ni Casugay sa kanyang kalabang atleta. Hindi na nito inasam na manalo, basta't mailigtas lamang si Arip. Sa kabutihang palad, hindi naman nagtamo ng malalang pinasala ang dalawang surfers.

"In the midst of the men’s longboard open competition for surfing, Indonesia’s Arip Nurhidayat broke his leash and was swept away by the waves. The Philippines’ Roger Casugay came to the rescue, setting aside the ongoing battle for the gold."


Namangha rin ba kayo sa ginawang kabayanihan ng ating kababayan? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, huwag kalimutang i-follow ang Daily Insights sa Facebook.
Pinoy Surfer, Isinuko ang Medalya Upang Sagipin ang Buhay ng Kalabang Atleta Pinoy Surfer, Isinuko ang Medalya Upang Sagipin ang Buhay ng Kalabang Atleta Reviewed by Publisher on December 08, 2019 Rating: 5