Neri, Binansagang Katulong na Naka-Make Up ng Netizen
Sa buhay ng mga artista, kahit gaano ka pa kasikat ay hindi maiwasan ang magkaroon ng mga kritiko. Kaakibat na ng pagsikat ang pagkakaroon ng mga haters, kaya naman dapat ay marunong ang isang celebrity na dedmahin na lamang ang mga ito. Ngunit para kay Neri Naig, mas pinili niyang sagutin ang mga taong bumabatikos sa kanya.
Kilala sa social media si Neri Naig, asawa ng "Parokya ni Edgar" vocalist na si Chito Miranda, bilang isang wais na misis. Maraming tao ang naiinspire kay Neri dahil sa kanyang mga business at financial tips, na talaga namang malaki ang naitutulong sa mga fans niya. Dahil dito, hindi na nakakapagtaka kung bakit marami rin siyang endorsements.
Kamakailan lang ay ibinahagi ni Neri ang kanyang bagong collaboration sa Nestle company. First time niyang maka-work ang sikat na sina Chef Rosebud at Sir Mark, kaya naman excited na excited si Neri. Ibinahagi niya sa Instagram ang good news na ito kasama ang kanyang photoshoot:
"So happy at kinukuha ako ng mga companies to inspire their team. Akalain mo yun, yung nene at probinsyanang medyo shy at may problema sa pagsasalita, nabibigyan ng opportunity na magbigay ng inspirational talk," ito ang caption ni Neri nang ipaalam niya sa fans ang kanyang bagong raket.
As expected, maraming fans ang natuwa at may panibagong raket na naman ang 'Wais na Misis.' Ngunit mukhang hindi lahat ng tao ay natutuwa sa tagumpay ni Neri. May isang anonymous netizen na nag-iwan ng di magandang comment sa update ni Neri. Tinawag niya si Neri na 'maid na naka-make up.'
Ngunit imbes na mainis, naghanap na lang si Neri ng paraan para maging good vibes ito. Imbes na sagutin ng pabalang ang kanyang kritiko, nag-iwan si Neri ng witty ngunit malamang sagot para sa kanya:
"At least ako ang pinaka wais na maid, hehe! Speaking of maid, magtayo kaya ako ng agency! At nang makakuha ng ganyang klaseng maid, maabilidad, wais, mapagmahal, mapagkakatiwalaan, mapagbigay, at higit sa lahat naka makeup!"
Sa kabilang banda ay marami namang netizens ang humanga kay Neri. Ayon sa kanila, dapat ay tularan siya ng ibang celebrities kung paano makipag-deal sa kanyang mga kritiko.
Humanga rin ba kayo sa positive attitude na ito ni Neri Naig? I-share ang inyong opinyon sa comments section below. Para sa iba pang updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Neri, Binansagang Katulong na Naka-Make Up ng Netizen
Reviewed by Publisher
on
December 08, 2019
Rating:

Post a Comment