Pia Wurtzbach, Nagsalita na Tungkol sa Pagsusustento sa Pamilya ni Marlon Stockinger
Mukhang magiging malamig ang salubong sa pasko ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach. Kamakailan lamang ang usap-usapan sa social media ang napabalitang break-up ni Pia at ng kanyang long-time boyfriend na si Marlon Stockinger. Matagal na ring umuugong ang balitang ito, ngunit sa wakas ay kinumpirma na ito ng Filipino-German beauty queen.
Sa isang statement mula sa ABS-CBN, tinuldukan na ni Pia ang matagal ng usap-usapan sa social media. Ayon sa 30-anyos na beauty queen, matagal na silang naghiwalay ng kanyang race car driver na boyfriend. Ngunit sa kabila ng kanilang breakup, maayos naman daw ang kanilang paghihiwalay at nananatiling may respeto sa isa't-isa.
Hindi man nagsalita si Pia tungkol sa kanilang hiwalayan, kumalat naman ang balita na may kinalaman ito sa pagiging jobless ni Marlon.
Ayon sa mga showbiz insiders, wala raw trabaho si Stockinger, na siyang naghudyat kay Pia upang tapusin na ang kanilang tatlong taong pagsasama. Dumating sa punto na pati pamilya ni Marlon ay nadawit na sa issue.
Ayon sa ibang showbiz insiders, ang dating beauty queen pa daw ang tumutustos sa pangangailangan ng pamilya ng kanyang ex-boyfriend. Nilinaw naman ito ni Pia sa kanyang statement, at pinabulaanan ang mga haka-haka.
"It's true that Marlon and I are no longer together. I wish him and his family well, and out of respect for them, let me make it clear - Marlon and his family never depended on me financially. This will be my only statement on the matter. Thank you for your support."
Sa kabilang banda, nilinaw naman ng manager ni Pia na si Rikka Infantado-Fernandez na bandang October naghiwalay ang dalawa. Ngunit sa kabila ng lahat, mas pinili ng beauty queen na gawing pribado na lamang ang kanilang breakup upang hindi na madagdagan pa ng mga issue.
Ano ang masasabi niyo sa hiwalayan ni Pia Wurtzbach at Marlon Stockinger? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates sa iyong favorite celebrities, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Pia Wurtzbach, Nagsalita na Tungkol sa Pagsusustento sa Pamilya ni Marlon Stockinger
Reviewed by Publisher
on
December 08, 2019
Rating:


Post a Comment