Bakit Hindi Pinahinto si Typhoon Tisoy? Pastor Quiboloy, Nagsalita na!
Nitong nagdaang linggo ay niyanig ng bagyong Tisoy ang Pilipinas. Maraming lugar sa kalakhang Luzon at Visayas ang apektado ng typhoon na ito. Libo-libong pamilya ang nawalan ng tirahan at maraming tao ang binawian ng buhay dahil sa tindi ng hagupit ng Typhoon Tisoy. Sa gitna ng lahat, nagbigay ng kanyang pahayag si Pastor Apollo Quiboloy tungkol dito.
Kung inyong maaalala, naging usap-usapan sa social media ang pastor nitong nagdaang mga linggo matapos niya sabihing 'pinahinto' niya ang lindol na yumanig sa Mindanao noong nakaraang Oktubre. Kaya sa hagupit ni Typhoon Tisoy, marami ang nagtatanong: Bakit hindi pinahinto ni Quiboloy ang bagyong ito?
"Kasi nung ini-stop ko yung earthquake, nagalit man sila. Binash ako ng napakarami. So, baka i-stop ko yung bagyo magalit baka magalit na naman. O, kaya pinabayaan na natin," ito ang pahayag ni Quiboloy sa isang video, kung saan ipinaliwanag niya ang dahilan kung bakit hindi niya 'pinigilan' ang nagdaang bagyong Tisoy.
Gayunpaman, nagbigay ng payo si Pastor Quiboloy sa mga tao. Ayon sa kanya, sa mga panahon ng sakuna ay mas dapat tayong manalig at magdasal upang malampasan ang problema. Bukod pa dito, nagbigay rin siya ng paalala na tulungan ang mga taong nasalanta.
"Mag-pray na lang tayo 'yung bagyo lumampas na lang. E, di ngayon normal na. Tulungan na lang natin 'yung mga nasalanta."
October nang mag-viral ang pastor sa social media. Ayon kay Quiboloy, na nagsasabing siya'y 'anak ng Diyos,' siya ang dahilan kung bakit tumigil ang lindol sa pagyanig:
"Ako'y umiinom lang ng kape eh, lumilindol. Sinabi ko, 'lindol huminto ka!'Ang hindi mai-stop diyan 'yung tulong namin," ayon kay Quiboloy, nananatili namang bukas ang kanilang palad para tumulong sa mga nangangailangan.
Ano ang masasabi niyo sa balitang ito? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Bakit Hindi Pinahinto si Typhoon Tisoy? Pastor Quiboloy, Nagsalita na!
Reviewed by Publisher
on
December 08, 2019
Rating:






Post a Comment